Naging maayos ang simula ng graduation. Pareho kasing present ang mga magulang ni Elene sa mismong reception, kaya pati ako inasikaso rin nila. Nakakahiya pero parang anak na rin kasi ang turing sa akin nila tito at tita. Well, matagal na nga rin naman kaming magkaibigan ni Elene at pumapasyal-pasyal din ako sa bahay nila simula pa noon. Kaya tulad nila, parang mga magulang ko na rin ang turing ko sa kanila. At speaking of magulang, hindi ko pa rin makita ang daddy ko rito sa reception. Alam kong sinabi kong hindi ako umaasa na darating siya, pero na-realize ko na gusto ko pa lang mapanood niya ako na umakyat sa stage at na matanggap ang diploma ko. Gusto ko rin palang maramdaman na kahit papaano, may magulang akong proud sa akin dahil nakapagtapos ako sa high school at proud sa akin dahil ako ang naging anak niya. Kaso sa inasal ko dati sa daddy ko, sa tingin ko, hindi nakaka-proud yun.
.
.
.
CONTINUATION...
Tapos na. Nakaakyat na ako sa stage at natanggap ko na rin ang diploma ko. Hinhintay na lang naming mga natapos na ang iba pa para mag-closing remarks na at para makauwi na o para makapag-celebrate na. Wala. Hindi dumating ang daddy ko. Yung tatay ni Elene ang nagsabit ng medalya sa akin sa stage. Pero mas ayos na yun kesa naman sa teacher ko pa ang gumawa nun para sa akin.
.
.
.
CONTINUATION...
Habang nagaganap ang yakapan at iyakan sa paligid ko, bigla na lang may kumalabit sa likod ko. Akala ko makikiyakap lang din, pero pagkalingon ko... Well, si Sean pala. Si Sean na naka-formal attire pa at may dalang isang bouquet ng asul na mga bulalak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang una kong papansinin. Yung suot ba niya na talagang bumagay sa kanya? Yung dala ba niyang forget-me-nots na siyang paborito kong bulaklak? O yung presensiya niya mismo na ikinagulat ko? Dahil hindi ako makapag-decide, lumapit na lang ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Ako: "Salamat at dumating ka, kahit na nagcecelebrate ka na dapat ngayon kasama ang pamilya mo."
Sean: "Hindi lang ako ang dumating dito. Humabol din siya para mapanood ka."
Ako: (Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya) "Sino?"
Sean: (Tumingin lang sa bandang likuran ko)
Ako: (Lumingon, natigilan, saka napabulong) "Daddy?"
Sean: (Marahan akong tinulak sa likod ko paharap) "Oras na, Verena."
Ako: (Lumapit kay daddy at ngumiti) "Salamat at nakarating kayo."
Daddy: "Pasensiya na kung nahuli ako. Hindi tuloy ako ang nakapagsabit ng medalya mo sa 'yo."
Ako: "Ayos lang. Ang importante nakahabol kayo." (Hinawakan yung medalyang nakasabit sa leeg) "Pasensiya na at hanggang salutatorian lang ako. Valedictorian sana kaso hindi umabot eh."
Daddy: (Hinawakan ako mga balikat at tiningnan ako sa mga mata) "Hindi na importante kung salutatorian ka man o valedictorian. O kung may award ka man o wala. Matagal na akong proud sa 'yo, anak. Dahil walang medalya o ano mang award ang makakapantay sa katatagang ipinakita mo noong mga panahong naging mahina at sumuko na kami ng mommy mo."
Ako: (Hindi napigilang tumulo yung mga luha) "Sorry kasi nasigawan ko kayo noong huli. Sorry kasi nagalit ako sa inyo. Sorry kasi kayo ang sinisi ko sa lahat."
Daddy: (Naluluha na rin) "May naging mga pagkukulang at pagkakamali rin ako. Deserve ko lang ang lahat ng mga yun. Pero ito ang tatandaan mo, Verena. Kung nasaan man ngayon ang kapatid mo at ang mommy mo, siguradong proud na proud sila sa 'yo. At ganun din ako."
Ako: (Tuluyang humagulgol at yumakap kay daddy)
Well, ako na. Ako na ang may madramang graduation. Ganun pa man, masaya pa rin ako dahil nagkaayos na rin kami ni daddy makalipas ang maraming taon. Sa wakas, napalaya ko na rin ang sarili ko. Sa wakas, nakapagpatawad na ako. At sa wakas, masasabi kong masaya na nga rin talaga ako. Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Dahil itong graduation naming 'to na siyang pagtayapos namin sa hayskul ang siya pa lang simula ng bagong chapter ng buhay namin na susunod naming haharapin.
.
.
.
CONTINUATION...
Dumating din pala si Gray sa graduation namin para mapanood si Elene na nagtapos naman ng with honors. Dahil dito, pinakilala ko na lang ulit sila Elene, Gray, at Sean kay daddy pati na rin ang mga magulang ni Elene. At dahil sa hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari, bigla na lang nilang napagpasyahan na gawing joint celebration ang graduation day namin. Actually, si daddy ang nag-suggest nito na sinang-ayunan ng parents ni Elene. Yun nga lang napa-face palm na lang ako habang bitbit ko yung bouquet ng paborito kong bulaklak na binigay sa akin ni Sean pagkalabas namin sa main gate ng school, kung saan hinihintay kami ng dapat na sasakyan namin.
Gray: (Napatitig saglit sa sasakyan) "Limousine ba 'yan?"
Elene: (Tahimik lang na napatango)
Sean at mga magulang ni Elene: (Nakatingin lang sa sasakyan)
Ako: "Seriously, daddy. No wonder na-late ka sa graduation ko."
Daddy: (Nagkibit-balikat) "Mas maluwang kasi diyan at maganda yung aircon. Okay na 'yan, anak. Hinihintay na tayo ni tita Zoey mo sa restaurant."
Ako: "Isinama mo na lang sana siya. Sigurado, hindi siya sasakay sa ganyang sasakyan."
Daddy: "Kaya nga hindi siya sumama eh."
Hindi ko pa nga pala nabanggit sa kahit na kanino na pagmamay-ari ni daddy ang isa sa mga kilalang car company sa bansa, kaya hindi maiwasan na gamitin niya ang pinakamagagarang sasakyan na meron siya. Natutuwa lang ako kapag isinasama ni daddy si tita Zoey sa mga lakad niya dahil simple lang ito at hindi mo mapapasakay sa sobrang garang mga sasakyan. Kaya si daddy ang natututong mag-adjust sa mga sasakyang gagamitin niya. Pero dahil wala ito ngayon, mukhang nilubos ni daddy ang kalayaan niyang pumili ng magarang sasakyan na gusto niyang gamitin. Ako pa tuloy itong nagkaproblema kung paano magpapaliwanag kila Elene, Sean, at Gray tungkol dito. Hay naku.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...