ENTRY 3: Sino naman si Elene na epal sa entry 1?

2.8K 23 0
                                    

Elene Nichole Graganta, ito ang buong pangalan niya. Siya yung alaga kong aso (Elene: Bestfriend niya ako!) Hayan at nangialam na nga siya rito. Alam kasi niya ang tungkol sa online diary kong 'to, at minsan may nasisilip siyang tina-type ko rito.

Anyway, sinusundan-sundan na talaga niya ako simula pa noong grade seven kami sa junior high. Ewan ba. Wala naman akong dalang dog food nun (Elene: Ang sama mooo! Y^Y). Palakaibigan naman siya, sikat, at sobrang cute (Ako: Hayan, pinuri na kita. Manahimik ka na). Mas maliit siya sa akin ng kaunti, pero balingkinitan ang pangangatawan niya. Yung kutis naman niya maputi, makinis, at mamula-mula. Yung buhok niya, lampas-balikat at unat na unat. At kung sa usapang pananamit, kabaligtaran ko rin siya. Kung hindi kasi siya naka-uniform, siya yung tipong nagsusuot ng skirts, blouses, dresses at sandals. Kumbaga, girly.

May makakapal ang mukhang nagtatanong kung bakit daw kami magkaibigan. Hindi nga rin ako sigurado kung bakit. Si Elene kasi yung tipong palakaibigan at gustuhin ng kalalakihan. Nasobrahan kasi sa ka-cutan. At dahil nasobrahan siya sa ka-cutan, hayan, muntik na tuloy ma-harass ng mga lalaking nasa higher years noong grade seven pa lang kami. Nagkataon naman nun na naiinis ako sa pagmumukha ng mga tarantadong yun. Kaya yun, sa halip na si Elene ang pagtripan nila, ako ang nangtrip sa kanila. Worth it naman sa huli kahit na-suspend ako ng tatlong araw.

Pero pagkatapos ng suspension ko, doon ko na naging tuta si Elene. Sunod na siya nang sunod sa akin kahit na todo iwas ako sa kanya. Ayaw ko kasing nakikipagkaibigan sa kahit na kanino. Sakit lang sa ulo. May iba kasi diyan, magpapalibre sa'yo porke magkaibigan kayo. Kung hindi naman, mangongopya during quizzes o exams. Pero ang pinakamalala ay yung mga plastik o backstabber, bigla na lang manunuklaw ng patalikod sa oras na hindi mo inaasahan.

Kaya para ano pa at tinawag mo silang kaibigan kung ganyan din lang? Kaya ko naman ang mag-isa kaya hindi ko na kailangan ng kaibigan. Kaso hindi ako tinantanan ni Elene. Tuloy, hanggang ngayon nakadikit pa rin sa akin. Tss. Clingy. 

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon