ENTRY 12: Suhol lang pala ang katapat

677 11 0
                                    

Palakpakan si Elene. Ang galing niya. Inaya kasi niya ako through cellphone call sa isang singles' meet daw. Para ito sa mga single na ready to mingle. Parang meet and greet lang.

Siyempre, dahil taong-bahay ako, agad kong dinecline yung invitation niya. Sinabihan ko rin siya na aanhin niya 'yan eh may boyfriend naman na siya. Yun naman pala, yung classmates din lang daw namin ang nag-aya at gusto rin daw kasing makilala yung boyfriend niya. Alam na rin daw ito ni Gray at pumayag siya. Isasama rin daw nila si Sean. Pero kahit sa dinami-rami ng sinabi ni Elene, tumanggi pa rin ako. Pinaka ayaw ko sa lahat 'yang socialization na 'yan. Sigurado kasing halo-halo yung klase ng mga tao diyan. May plastik, may trying hard, may social climber, may gusto lang makipagharutan, at kung ano-ano pa. Nakakapagod kaya. Kaya wala talaga akong balak sumama. As in wala. Wala ring makakapagpapayag sa akin.

Hanggang sa may i-propose si Elene. Gagawan daw niya ako ng paborito kong brownies kapag sumama ako.

So, well, bakit ko naman yung tatanggihan?

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon