ENTRY 19: Complicated lovelife?

549 5 0
                                    

Lintik! May nangialam nitong cp ko last time. Hindi ako sigurado kung sino pero may kutob ako na baka si Amber. Kakaiba kasi yung ngiti niya sa 'kin nung nandun ako sa apartment nila. Yung tipong parang may ginawang kalokohan. Debale, magbabackread din naman ako rito balang-araw.

Anyway, binalitaan ako ni Elene na ayos na raw ang lahat sa pagitan nila ni Gray. Sinabi na rin daw niya ang lahat dito; tulad nung in-stalk niya yung fb ni Gray, nung sinadya niyang iwan yung cp niya sa apartment nila para lang magkita ulit sila, at siyempre pati na rin yung tungkol sa mga gusto niyang gawin nila kapag magkasama nila. Sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang malaman kung ano yung eksaktong mga bagay na yun kaya hindi na rin ako nagtanong. Tinanggap naman daw ito lahat ni Gray, yung pagsisinungaling o pagpapanggap niya at yung medyo impure na thoughts niya kapag magkasama sila. Nagpasalamat pa nga daw ito sa kanya at sinabing masaya daw ito dahil sinabi rin niya sa wakas kung ano ang gumugulo sa isip niya.

Tuloy, bukod sa medyo malibog at green minded pala si Elene, natutunan ko rin na minsan kahit na maliliit lang na mga bagay ay pinoproblema na agad sa lovelife. Ang complicated. At ngayon, kailangan ko ring paalalahanan si Elene na kailangan muna naming maka-graduate sa pag-aaral bago nila gawin yung kung ano man ang ginagawa lang dapat ng mag-asawa. Hay naku!

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon