Dear Online Diary,
Iniba ko ang entrada ko ngayon para maiba naman. Hindi rin kasi planado itong entry na 'to. Pero natripan ko lang i-kwento dito yung nangyari kanina.
Papunta kasi ako sa grocery mall para mamili ng mga pang-stock kong pagkain sa boarding house nang may babaeng mala-hollywood sa tangkad at sa ganda ang lumapit sa akin, nagtatanong kung saan daw yung bagong bukas na Around the World Cafe. Nagkataon namang alam ko kung saan 'to dahil ito yung cafe na pinuntahan namin noong nagkaroon kami ng singles' meet. Sinabi ko sa magandang babae yung direksyon papunta roon. Kaso noong mukhang nalito siya at hindi pa rin niya makuha, sinamahan ko na lang siya since hindi rin naman yun kalayuan sa kinaroroonan namin.
Pagkarating namin sa tapat ng cafe, agad na akong nagpaalam dahil wala na rin naman akong ibang gagawin dun. Yun nga lang, bigla niya akong pinigilan. Sabi niya ititreat na lang daw niya ako bilang pasasalamat niya. Tinanggihan ko, siyempre. Sinamahan ko lang naman siya papunta dun. Kaya no big deal yun para sa akin. Kaso mapilit siya at pasalamat siya maganda siya, kaya hayun, hinayaan ko siyang ilibre ako.
Amber, ito ang sinabi niyang pangalan niya. Kababalik lang daw niya galing sa New York after two years, kaya hindi na niya naabutan pang pinatayo yung mall na last year lang natapos. Kaya rin hindi na nakapagtatakang hindi niya kabisado yung pasikot-sikot dito. Yung kapatid din naman daw kasi niya masyadong pala-aral kaya hindi na niya nagawang magpasama. Buti na nga lang daw at meron ako. Ang sabi ko naman sa sarili ko nun, buti na lang at hindi siya na-bore sa akin dahil siya lang yung mostly na nagsalita. Medyo nakaka-distract din kasi siya. Ang ganda niya tapos ang classy niyang tingnan. Ang tangos ng ilong niya, ang hahaba ng mga pilik-mata niya, ang ganda nung kutis niya, may make-up siya pero litaw pa rin yung natural beauty niya. Actually, para siyang yung nakikita kong mga model sa mga kilalang cover magazine. Para ngang may naaalala ako sa kanya eh. Hindi ko nga lang ma-pinpoint kung sino.
Hindi na kami masyadong nagtagal sa cafe. Pagkatapos kasi naming kumain at ubusin yung inumin na ilang beses niyang pinicturan para i-post sa Instagram, nagpaalam na rin kami sa isa't isa at naghiwalay na ng landas.
Nakakapanibago din pala yung may nakikilala kang ibang tao. Tapos isang tao pa na parang langit at lupa ang agwat niyo. Pero seriously, parang may naaalala talaga ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...