Saturday ngayon. Ang maganda sa Saturday, walang pasok. Ang maganda sa Saturday, mag-momovie marathon ako. Kaso ang pangit sa Saturday, kapag bigla na lang may kumatok sa boarding mo at alam mo nang nabulilyaso na lahat ng plano mo.
Si Elene ang nabungaran ko sa labas ng pinto. Noong una ang ganda-ganda ng bati niya sa akin na akala mo naman mamasyal lang siya. Pero nang mapagod siya sa kawekwento ng kung ano-ano, sinabi rin niya yung totoong pakay niya. October one na daw kasi bukas. At ibig sabihin, birthday na daw ni Gray. Pero para sa akin, ang ibig sabihin, gastos na naman. Hindi naman sa nanghihingi yung may birthday ng regalo, kaso bilang kaibigan, dapat may initiative ka na rin naman kasing magbigay.
Nagtanong sa akin si Elene kung ano raw ang magandang gawin para sa birthday ni Gray. Ang galing, 'di ba? Ako pa talaga na walang boyfriend at hindi palakaibigan at mas lalong hindi nagplaplano ng mga ganyan ang pinagtanungan niya. Pero dahil Sunday naman bukas, sinabi ko na lang sa kanya na magsimba sila. Mukhang nagustuhan naman niya 'tong idea na 'to. Kaso nang magtanong pa ulit siya sa akin, si Sean na ang biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko kasing siya ang magaling pagdating sa ganitong mga bagay, kaya sinabi ko kay Elene na puntahan na lang namin si Sean. So, pinuntahan nga namin siya.
Doon kami sa kwarto ni Sean tumambay at nag-usap-usap habang nagtsatsaa. Sa tingin ko nagbabasa siya ng libro bago kami dumating ni Elene. May libro kasing may nakaipit na bookmark sa ibabaw ng study table niya. Anyway, nagtanong si Elene kung anong cake ang magandang i-bake para sa birthday ni Gray. Ang sabi ko kahit na ano na lang siguro. Total kinakain din naman ng isang yun ang kahit na ano. Pero may mas matinong suggestion si Sean. Sabi niya, paano daw kaya kung yung unang cake daw na binake ni Elene para kay Gray ang gawin niya. Yung cheesecake na kinain ni Gray sa kauna-unahang pagkakataon. Natuwa naman at sumang-ayon agad dito si Elene. Dahil ibig sabihin, hindi na raw niya kailangang mag-bake pa ulit ng bago. Buti na lang talaga sinuggest ko na puntahanan na lang namin si Sean.
Akala ko ayos na ang lahat pagkatapos nun. Gusto ko na rin kasing makauwi para maituloy ko na yung plano kong gawin sa araw na 'to. Pero itong si Elene may biglang may tinanong na hindi ko inaasahan.
Elene: "May tanong pa pala ako. Um... Uh..." (Namula) "Ano kayang iisipin ni Gray kapag sinubukan siyang halikan ng isang babae?"
Ako: (Nasamid bigla sa iniinom na roasted green tea) "Hindi ba parang dati lang nag-aalala ka na iniisip niyang napaka naive mo? Anong nangyari at lumelevel-up ka yata ngayon?"
Elene: "Ah, oo. Nalinaw naman na yung bagay na yun. Pero hindi naman siya nagpipigil ng dahil sa akin. Napaka modest lang kasi talaga niya."
Ako at si Sean: (Napatitig lang sa kanya)
Ako: "Well, siguro. Baka nga may punto ka." (Tumingin kay Sean) "'Di ba?"
Sean: "Oo. Sabi niya hindi daw siya makikipaghalikan hangga't hindi pa raw siya nakaka-graduate sa high school."
Ako at si Elene: (Napanganga)
Sean: "Masyado pa raw kasing maaga ang mga ganung bagay ngayong high school."
Elene: (Na-depress) "Ha-hanggang sa matapos yung graduation... Sa high school... Okay... Kung ganun, maghihintay na lang ako hanggang sa maka-graduate kami sa high school."
Ako: (Hindi makapaniwalang tiningnan si Elene) "'Yan ang inaalala mo? Ako, nabigla lang ako kasi hindi ko akalaing pinag-uusapan din pala nila yung ganun mga bagay. Pero ikaw, nag-alala ka ng dahil lang sa..." (Hindi na itinuloy. Implied na ang ibig sabihin)
Elene: "V, kung magkakaboyfriend ka, siguro maiintindihan mo rin."
Ako: "No, thanks. Kung pati mga ganyang bagay proproblemahin ko pa, wag na lang." (Uminom na lang ulit ng tsaa)
Sean: (Kay Elene) "Pero kung gusto mo, pwede mo rin namang gawin yun kung kelan mo gusto. Sa tingin ko, matutuwa si Gray."
Elene: (Biglang kinilig) "Hala, anong gagawin ko?!"
Ako: "Hala, natuluyan na siya."
Elene: (Natigilan saka tinitigan si Sean) "Sean, may nahalikan ka na ba?"
Sean: "Wala pa. Hindi pa ako nagkaka-girlfriend."
Elene: "Ah, oo nga pala. Sorry kung ang weird ng tanong ko. Pero si V kasi ang first kiss ko."
Ako: (Tuluyang naibuga yung iniinom)
Elene: "Hala, V. Okay ka lang?"
Ako: "Pasensiya na. Kukuha lang ako ng basahan sa kusina."
'Langya! Hindi ko inaasahan na sasabihin yun ni Elene. Ang weird kasi ng experience na yun. At siya rin yung first kiss ko, actually. Nasa Junior High pa lang kami nun nung bigla na lang siyang madulas sa may hallway na kaflo-floorwax lang. Sakto namang kasama niya ako kaya sasaluhin ko sana siya para hindi mabagok yung ulo niya. Nasalo ko naman siya. Pero pareho kaming na-out balance at natumba. Napasandal ako sa pader. Siya naman, sa akin napasandal kung saan saktong dumikit yung mga labi niya sa mga labi ko. Hindi naman yun nakakadiri para sa akin. Pero ang weird lang. Alam kong hindi ako babaeng-babae minsan kung umasta at kung manamit. Kaso hindi ko rin naman inaasahan na kapwa ko babae yung magiging first kiss ko. Isa pa, matagal na rin naman yun kaya hindi ko na gaanong iniisip. Nakakagulat lang itong si Elene kasi bigla niya yung binanggit.
Pagbalik ko sa kwarto ni Sean, agad kong nilinisan yung tsaang naibuga ko. Buti na lang hindi yun masyadong kumalat at buti na lang din at iba na yung usapan nun. Hindi kasi ako komportableng pag-usapan yung weird experiences namin. Hindi rin nagtagal, nagpaalam na kami ni Elene kay Sean. Kaya ako, tuwang-tuwa dahil may oras pa ako para makapag-movie marathon. Nyahaha!
P.S.
Tulad ng ginawa ko dati sa birthday ni Elene, naipa-schedule ko na rin kung kelan idedeliver kila Gray yung regalo ko sa kanya. Matatanggap niya yun bukas ng hapon pagkatapos ng date nila ni Elene. Simple lang yung regalo ko sa kanya. Isang malaking picture frame kung saan nakalagay yung picture nilang dalawa ni Elene na pasekreto kong kinuhaan dati gamit 'tong cellphone ko. Ang ganda lang kasi nilang picturan noon. Ang saya nilang tingnan tapos ang candid pa ng dating. Buti na nga lang at nakalkal ko pa yun dito. Hehe.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Chick-LitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...