Tulad nga ng sinabi ko, ako si Verena Suarez, seventeen years old, at isang grade eleven student sa Harbridge Senior High. Wala na akong iba pang gustong idagdag tungkol sa sarili ko kaya ide-describe ko na lang ang itsura ko.
Hindi ako ganun katangkad. Pero hindi rin ako matatawag na pandak. Pati yung kulay ng kutis at pangangatawan ko sakto lang. Yung buhok ko naman kulay black at maigsi. Simple lang akong manamit. Kung hindi ako naka-uniform, naka-shirt, jeans at sneakers lang ako. Kaya, obviously, ako yung tipong hindi kilala o sikat---basta hindi ginalit. At wala rin akong pake. Basta ako, nananahimik lang ako.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...