Isang masamang balita.
Na-ospital ng hindi oras ang mama ni Gray. Binalita ito sa amin ni Sean. Pagkauwi daw kasi ni Gray sa kanila, nadatnan na lang daw nito ang mama nito sa sala nila na may iniindang matinding sakit sa tiyan, kaya tinakbo ni Gray ang mama nito sa hospital kung saan tumulong si Sean. Pagkatapos matintnan ng mama ni Gray, sinabi daw ng doktor na kinakailangan nitong manatili sa ospital pagsamantala. Sinabi naman daw ng mama ni Gray na 'wag mag-alala. Pero mukhang hindi mapigilan ni Gray ang sarili niya. Hindi daw siya sanay na nagkakaganun ang mama niya.
Halata nga ang pag-aalala niya dahil medyo absent-minded siya nang puntahan namin siya nila Elene at Sean sa apartment nila para samahan at tulungan sa mga gawaing bahay. Paano ko nalaman? Noong nagluluto kami, hindi na niya binalatan pa yung carrots at basta na lang ito hinati-hati saka niluto. Noong maglalaba naman siya gamit yung washing machine, bleach ang nilagay niya sa mga damit imbes na detergent. Sa huli, pasimple ko na lang inayos yung mga trabaho niya kasama sila Elene at Sean. Pero sa tingin ko hindi rin lang yun mapapansin ni Gray. Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya marunong sa mga gawaing bahay. Pero ipinagpalagay ko na lang na wala lang talaga siya sa sarili niya.
Sana naman maging ayos lang ang kondisyon ng mama ni Gray at ng kapatid niya. Kaya little sis, please, sana bantayan mo sila.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...