ENTRY 55: Wala akong maisip

397 8 0
                                    

Kaya naman pala hindi kasama si Sean. Hindi kasi niya pwedeng malaman yung tungkol sa pinagplanuhan namin. Siya kasi ang may birthday next week.

Simple lang yung plano namin para sa kanya. Aayain lang namin siya kung saan-saan saka namin ibibigay yung mga regalo namin sa kanya. Alam na nila Gray at Elene ang ireregalo nila. Pero ako, hindi ako makaisip. Lintik! Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako pero wala talaga eh. Pwede ko namang tanungin si Sean. Pero matalas yung isip nun, baka makahalata siya sa plano. Marami rin namang pwedeng iregalo na kung ano-ano na lang diyan, kaso kapag kaibigan mo kasi pinag-iisipan talaga. Isa pa 'tong rason kaya ayaw ko ng kaibigan dati eh. Sakit sa ulo kapag birthday na nila. Hay naku.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon