EPISODE 2 PART 3 I MEET THE ALOOF

53 0 0
                                    


ISIAH's POV


Mukhang mapaparami ang POV ko ah. Ang malas ng araw ko ngayon, at parang napapalibutan ako ng tinik sa paligid ko..

Kailangan ko makahanap ng bagong trabaho para maitaguyod ko ang pag co-college ko, gusto ko talagang mag-college para ipakita kay Papa ang mararating ko.

Nako naman, saan kaya may mga part time job dito. Kailangan makahanap ako agad-agad.

Naglalakad ako sa hallway ng school papunta sa locker ko nang wala sa sarili. Nakatulala ako habang naglalakad kakaisip ko sa part time job ko.

Namomroblema ako kung pano ako makakapasok sa college, alangan ba namang mag-artista ako. Nasa gano'n akong pag-iisip nang para akong nakakita ng lightbulb.


Mag-stunt woman kaya ako? O 'di kaya'y maging double? Total kaya ko naman 'yon... pero baka ma apektohan ang pag-aaral ko. Wika ko sa sarili dahilan para manlumo ako.

Ayyyzttt ano kaya ang gagawin ko? Sa kakalakad ko ng wala sa sarili ay may nabangga ako.

"Aray ko po---"

Sapo-sapo ko ang ulo ko, ano ba naman 'yong nabangga ko poste ba 'yon? Hinawakan ko ang nabangga ko, aba matigas? Hmm teka...Ba't parang six packs ang nahahawakan ko.

"Ano ang ginagawa mo."

Poste nagsasalita? Minumulto na ba ako?

"May nagsasalitang poste..." pikit mata kong wika, habang nakahawak pa rin sa wari ko ay six packs.

"Anong poste ang pinagsasabi mo? Umalis ka nga..."

Tinulak niya ako bagay na nawalan ako ng balanse dahilan para matumba ako.

"Aray ko naman kuya. Makatulak wagas?!"

Naningkit ang mata niyang nakatingin sa'kin, nang i-angat ko ang ulo ko nanlaki din ang mata ko.

Abay... Sino 'to? Ito ba 'yong nabangga ko kanina? Kaya naman pala nag salita akala ko minumulto na ako. Bali-balita pa naman dito sa hallway 'yon.

"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?"

Bweset 'di man lang ako tinulungang itayo, matapos niya akong itulak. Kung kanina tinulungan ako no'ng isa pang lalake, ito naman ngayon walang modo.

Tumayo ako at pinagpag ko 'yong damit ko, pinulot ko na rin 'yong mga aklat na dala ko na ilalagay ko sana sa locker ko.

"Wala akong ginagawa sa'yo... Akala ko poste ka. Malay ko bang tao ka.."

Nanlisik ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko, pero 'di ko siya pinansin, sa halip ay binuksan ko ang locker ko at nilagay ang mga gamit ko. Pagkasara ko sa pinto ng locker ko ay nagulat ako nang magsalita siya.

"Pinagkamalan mo kong poste?" tanong niya na may kasama pang bahagyang tawa na tila hindi makapaniwala "Ayos ka rin noh?"

"Abay malay ko ba? Ang tigas kasi ng katawan mo kaya akala ko kahoy ka."

"Baket sino ba ang wala sa sariling naglalakad? Ako ba?"

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon