ISIAH's POVNakauwi kami ng Pilipinas na subrang lungkot. Nasa NAIA na kami at inaantay namin ang mga dala namin, tahimik kaming lahat, para bang 'di kami galing sa bakasyon.
Tinignan ko sila Miyu na inaantay din ang mga gamit nila, nababalot sila ng lungkot, kaya napa buntong hininga ako. Akala ko ang Korea ang magiging pinakamasayang bakasyon ko, akala ko magiging masaya kami.
"Isiah"
Nagulat ako sa nagsalita, si Miyu pala, buhat-buhat na niya ang gamit niya. Binalik ko ang tingin sa mga bagahe at inaantay ko ang bagahe ko.
"ang lalim nang iniisip mo kaya ako na kumuha nang maleta mo..." Lingon niya kay Seven at balik sa'kin ang tingin. "Okay ka lang ba?"
Napatango ako para sabihin sa kanyang ayos lang ako, pero siya parang 'di naniniwala at hinawakan niya kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak niya.
"Lei, sa subrang lungkot mo, nakalimutan mong may bestfriend ka."
Napaiyak ako at niyakap ko siya. Tama si Miyu, masyado akong nagpakain sa nararamdaman ko at 'di ko na naisip ang nararamdaman niya.
Hinagod niya ang likod ko nang lumapit si Steven at niyakap ako.Naramdaman ko din na lumapit sila sir Sky at Miss Suzie. Pati sila nadamay sa walang kwentang bakasyon namin, nag-leave pa silang tatlo ni Mr. Kim para lang masamahan ako sa bakasyon na 'to, pero nasira lang lahat.
"Are you okey Isiah?" Tanong ni sir Sky.
"Miss isiah, okey ka lang ba? Sa korea pa po subrang lungkot mo na." Hawak sa kamay ko.
Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, ngumiti ako kahit alam kong fake ang ngiti ko na yun.
"Okay lang po ako Miss Suzie." Ngiti ko. "Pasensya na po kayo ah, nasira ang bakasyon natin."
Nagkatinginan silang lahat, at napangiti naman din sila bagay na nagpagaan ng loob ko.
"No Isiah, this is the most happiest vacation ever." Ngiting wika ni Sir Sky. "Kasi dahil dito nagkasama-sama kaming apat.
Napatulo ang luha ko, at nagpasalamat sa kanila. Habang nasa ganun kaming sitwasyon nag dadabog na si Victoria.
" 'Di pa ba tayo aalis? Kanina pa ako naiinip eh, napapagod din kaya ako noh."
Nilingon namin ang nagmamaldetang si Victoria, ano ba ang nangyayari sa babae na 'to at parang sinasapian lagi, napakasuplada.
"Ba't 'di ka mag taxi? 'Di ka naman sa mansion nakatira eh, 'di mauna ka na." Taas kilay kong wika sa kanya. "Pa'no 'di ka mapapagod? Wala na kayong ginawa kundi mag excercise."
Nauna akong umalis, at sumunod na din sila Sir Sky, 'di ko man nakita alam ko kung ano ang naging reaksyon niya, bigla akong inakbayan ni Steven.
"Good job hun."
--------------
*********"Sir Sky mag-ta-taxi na lang po kami ni Miyu 'yong mga gamit ko na lang ipapadala ko."
"Baket?" Pag-aalalang tanong agad ni Sir Sky.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...