OTHER PEOPLES POV
Nagsimula na ang free concert ni Seven sa HU, maingay na ang boung auditorium. Hiyawan nang halos lahat ay kababaihan, sinisigaw nila ang pangalan ni Seven...
"Bilisan mo naman Isiah, mawawalan tayo ng upuan sa kabagalan mo."
Padabog na wika ni Miyu kay Isiah na walang kagana-ganang pumunta sa auditorium. Halos bagsak ang mga balikat niyang sumusunod kay Miyu.
"Baket? Sinabi ko bang isama mo 'ko? Eh ayaw ko nga 'di ba, pinilit mo lang ako."
Ani Isiah dahilan upang bumusangot ang mukha ng kanyang bestfriend. Alam niya kung ga'no ito ka fan ni Seven.
"Lei naman, bilisan mo na nga lang kasi kaysa sa mag reklamo ka."
Halos parang gustong batukan ni Isiah si Miyu, die hard fan kasi talaga ni Seven si Miyu, kung saan may authograph signing ni Seven ay nando'n din si Miyu.
Nang marating nila ang auditorium, halos puno na ng mga studyante, kaya halos himatayin na si Miyu sa inis dahil wala na siyang makitang p'wedeng upuan.
Nilingon niya si Isiah na nakasandal sa pinto habang nakatingin sa kanya, nagkibit balikat si Isiah habang nakatingin sa halos mawalan nang pag-asa na si Miyu.
"Miyu! Isiah! Dito!"
Kaway ni Victoria, nagreserba ito ng upuan para sa tatlo na ikinaliwanag ng mukha ni Miyu, habang si Isiah naman pakamot-kamot ng ulo.
Tumakbo papalapit si Miyu kay Victoria, sumunod naman ang nanghihinang si Isiah, napaupo na rin ito sa tabi ng dalawa nang maya lang tinawag na ang pangalan ni Seven.
Nagsigawan at nag-ingay ang boung auditorium lalo na nang lumabas ang kanilang pinakamamahal na oppa, at halos mawasak ang auditorium ng Huangjo University sa hiyawan ng mga studyante.
"Hello everyone!" bati ni Seven sa mga istudyante habang kumakaway.
"Hello oppa!"
Sigawan naman ng mga istudyante. Napangiti naman si Seven sa masayang pagtanggap sa kanya ng Huangjo University,
"Eheem. Anyway, thank you everyone for the warm welcome today. I'm glad that I am here with you today---"
Hindi natapos ni Seven ang sasabihin dahil sa hiyawan ng mga kabataan, maliban kay Isiah na walang pakialam. Napangiti naman si Seven sa init na pagtanggap ng mga istudyante sa kanya..
"Ang free concert na 'to ay 'di lamang para sa inyo kundi para do'n sa naging scholar ng paaralan at ito ang unang regalo nila para sa kanya. At siya ay aking tatawagin para makasama ko dito sa stage at maalayan ng unang kanta"
Nagsigawan nanaman ang mga istudyante, at hinahanap kung sino ang ma swerteng scholar na makakasama si Seven sa stage.
"Isiah Cruz!"
Natahimik saglit ang boung auditorium nang marinig ang pangalan ni Isiah, habang si Isiah naman walang pakialam at patuloy sa antok na naramdaman..
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Roman d'amour"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...