EPISODE 2

52 1 0
                                    

ISIAH's POV

kung na aalala n'yo na sa Episode 1 ay iniwan kami ni Papa, dahilan para mawala si Mama at dahil sa babae nagkawatak-watak kami.. Ibabahagi ko uli sa inyo.

Tanong lang?

Baket may mga taong handang maging kabet? At minsan natatanong ko sa isip ko, p'wede ko ba husgahan ang mga babaeng handang manira ng pamilya para sa pag-ibig? Kahit alam naman nilang bawal?

Marahil love is unfair sometimes, kasi baket naman tumitibok ang puso sa maling pagkakataon at sitwasyon? Baket kailangan may masaktan?

Ano nga ba ang papel ng kabet?
Una, Manira ng pamilya? Pangalawa, mga tanga sila? Kasi nagmahal nga sila may mga sabit na.. Pangatlo makakati lang talaga?

Alin man diyan 'di ko alam ang dahilan, kung baket pumapasok sila sa pagkakataon na hindi talaga dapat para sa kanila..

Ang Papa ko para sa'kin ay sinama na ni Mama sa hukay kahit nabubuhay pa siya. Pero minsan nga ang pagkakataon, madalas naglalaro, nananadya, at madaya...

Dahil ang mga tao na ayaw ko makita pinipilit ng panahon na pagtatagpuin muli para pagtutugpiin ang mga pusong sugatan, at masagot ng kaunti ang ilang katanungan.

At yun nga... Nagtagpo kami pero hindi ni Papa kundi ang kanyang...

'Kabet'

"Huh? Buhay ka pa palang maldeta ka?"

Sabi sa'kin ng kabet ni Papa, ay oo nga pala, pakakasalan na dahil wala na si Mama. Ngunit para sa'kin isa pa rin siyang dakilang kabet na sumira sa masaya kong pamilya.

"Hindi, sa katunayan minumulto kita inggrata "

Nanlaki ang mata ng kabet ni Papa na 'di ko pangangalanan sa storyang ito, matatapos ang storyang ito na wala siyang pangalang mababanggit. At akala niya mag papaapi ako? 'di na ako si Isiah na kaya nilang apihin ng Ama kong 'di ko alam ba't binuhay pa ng Diyos sa mundong ito na sa dinami-dami ng p'wedeng saktan ang mama ko pa.

"Nandito ako para sunduin ka sana, 'di mo ba alam matagal ka nang patay demonyita ka! Kaya naman sumama ka na sa'min ni Mama."

Nanlaki pa ang mata niya lalo at kinurot-kurot niya ang sarili niya sa takot sa'kin. Halos namutla siya sa takot na akala niya patay na talaga ako...

Natatawa ako sa pagmumukha niya, gusto ko siyang ihampas sa pader. Isa siyang malaking ipokrita na dinamitan lang ng maganda.

"Pinagloloko mo ba ako maldeta ka?!"

Bulyaw niya sa'kin, na halos mapigtas na ang leeg niya kakasigaw, ako naman natatawa na talaga sa reaksyon niya... Na parang tanga.

"Halata ba?" Tanong kong natatawa pa. "Pero ang totoo, sabi ni Mama ko tatabihan ka niya mamaya." nginitian ko pa siya ng nakakaloko. "Pa'no ko nalaman? Kasi ganito, sekreto lang natin 'to." Wika ko sa kanya ng pabulong. "May third eye kasi ako, nakaka kita at nakakarinig ako" ngiting-ngiti kong wika.

Muntik na siyang mapasigaw nang may dumating at hinawakan siya sa siko. Tinanong siya nito kung okey lang ba siya. Nang lumingon siya sa'kin, nanlaki ang mata ko..

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon