#AGBGtoparis
STEVEN'S POV
Kararating lang namin sa paris, sa napakahabang oras ng byahe namin ay nakarating na din kami. Tumuloy kami sa isa sa mga sikat na hotel dito ang Hyatt Hotel Madelien.
Maganda at malinis ang hotel, isa sa mga top 5 star hotel dito sa Paris. Nakita ko naman ang mangha sa mukha ni isiah na ikinatuwa ko naman.
"Bienvenue à Paris Monsieur Mondroadou, bon séjour au Hyatt Hotel Madelien." (Welcome to Paris Mr Mondroadou, enjoy your stay at the Hyatt Hotel Madelien.) Pagbati ng mga nasa Front desk.
Nag-thank you naman ako sa receptionist at kinuha ko na ang key card ko. Madalas ako dito kaya naman may kwarto na talaga akong sarili dito."Lagi ka ba dito Steven?" Tanong ni Isiah.
"Kapag may bussiness trip lang ako dito." Ani ko sabay smile.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok na kami, namangha siya sa ganda nang kwarto ko. Nilibot niya kaagad ang mga mata niya, napaka relaxing ng kwarto, nature ang aura, kasi medyo halo ang kulay may green at may aqua green.
Nilapag ko ang maleta ko. Napaka fresh ng kulay kasi green ang ambiance... Feeling ko nasa kagubatan ako sa ganda.
"Isiah, dito sa left ang kwarto mo, tapos dun ang kusina, sa room mo may sarili ka ng cr at entertainment room mo." Nakangiti kong wika sa kanya. "Ngapala, ang password ng room natin ay 102037."
Tumango siya at simamahan ko siya na pumasok sa kwarto niya. Nang makita niya ang kwarto namangha siya sa subrang ganda, nature lover seguro ang Hyatt kasi more on green sila.
"Isiah, itong green remote para 'yan sa tv, etong aqua green para 'yan if you want to change your room background in any background you want."
Dahil parang nalilito siya, tinuro ko sa kanya ang aqua green remote, pinalitan ko ang aura ng room niya nang mountains, namangha siya talaga.
Binigay ko sa kanya, pinalitan niya naman ito ng forest na all aqua green, napangiti ako kasi nakaka relax.
"After natin mag-dinner, mag pahinga muna tayo ng dalawang araw bago mag pa enroll."
Tumango lang siya, niyaya ko siyang mag-dinner sa baba kasi wala pa naman kaming grocery, nagbihis lang ako saglit at umalis na kami.
"Isiah, just tell me anything you want 'pag naglihi ka, okay?"
Tumango lang siya, naaliw naman ako kay Isiah, ang paglilihi niya talaga ang una kong inisip, sana 'wag na lang siya maglihi. Bumaba na kaming dalawa para maghapunan.
-------------------------------
*************Suka nang suka si Isiah kaya naman nag-wo-worry ako sa kanya, 'di ko alam ang gagawin ko, nako naman Isiah ano ba ang nangyayari sa'yo?
"Isiah tatawag na ba ako ng doctor? I am worried about you."
Wika ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod, part pa din kaya 'to ng pagbubuntis niya? Normal lang kaya 'to?
Nang hindi pa rin siya natigil sa pagsusuka ay tumawag na ako ng Doctor, baka kasi sa pagkain nanibago siya. Pinahiga ko muna siya sa kwarto niya habang inaantay ang Doctor.
Maya lang may nag doorbell na, seguro ang Doctor na yun. Pinagbuksan ko nang pinto ang nag doorbell at 'di nga ako nagkamali ang Doctor nga at may kasama pang Nurse.
"Good evening Mr. Mondroadou." Bati sa akin ng Doctor.
"Good evening Doctor, thank you for coming." Nakipag-shake hands ako sa kanya.
Pinapasok ko sila at dinala sa kwarto ni Isiah. Naabutan nila ang hinang-hina na si Isiah, namumutla na ito kakasuka.
DOCTOR: "She look pale." Chineck si Isiah. "Can you tell me what happen earlier?"
"Actually Doc, she's pregnant."
Nagulat naman ang Doctor nang malamang buntis si Isiah, at sinabi ko din na bumaba kami para kumain at pagbalik namin suka ito nang suka, tango naman nang tango ang Doctor habang tinitignan si Isiah.
"I'm not sure, Doc, if it is about the food, or if it's just normal because she is pregnant." Ani Steven
"Ah yes, it's normal because she is pregnant, and also she is tired, maybe because it's her first time to travel for long hours." Aniyang nakangiti. "And don't let her eat cucumber and tomato because the baby doesn't like them."
Natawa naman ako sa sinabi ng Doctor. Masilan ang bata parang si Storm, ayaw no'n ang cucumber at tomato. Mahaba din ang napag-usapan namin ni Doctor at nagpasya siyang iwanan ang nurse kasi masilan si Isiah habang naglilihi siya.
"Thank you Doc." Ani ko at nakipagkamay sa kanya.
"Don't worry Mr. Mondroadou, and don't worry about the nurse, she's a Filipina, one of the most responsible nurses in Madeline Medical Center." Nakangiting saad ng Doctor.
"I'm glad Sir, thank you."
Nakipag kamay si Doctor Morgan sa'kin at nagpasya nang umalis, pero binilinan muna niya ang nurse na i-monitor si Isiah at 'wag bigyan ng kahit anong gamot.
Nang makaalis ang Doctor, tinanong ko ang pangalan ng nurse at siya daw si Anna Marcelo 34 years old at taga Batanggas sa Pilipinas.
"Okay, anyway Anna ang kwarto mo dito sa kabila, I hope makapanti ka diyan. Library ko 'yan pero may higaan, pero kung gusto mo dito ka sa room ni Isiah matulog."
"Ah, okay lang ako do'n Sir, pero ngayong gabi dun muna ako kay Ma'am, para ma monitor ko siya." Ani Anna.
Tumango ako at pumasok na siya sa library, kaya naisipan ko munang dalawin si Isiah. Nang makapasok ako ay gising na ito at nakaupo, napangiti siya nang makita ako.
"Oh, 'wag ka bumangon." Ani ko sa kanya na agad siyang inalalayan.
"Ba't naka swero ako? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya.
Napangiti ako, bago ko siya sinagot lumapit muna ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinimas ko ang pisngi niya, habang siya nagtataka.
"Para sa allergy mo 'yan."
"Allergy? W-wala naman akong allergy eh."
Bago pa man ako nakasagot ay pumasok ang nurse para i-check siya, lalo naman siyang nagtaka nang makita ang nurse.
"Siya ang magiging nurse mo for 3 months para ma-monitor ka." Ani ko sa kanya habang naka upo sa coach na nasa harapan niya.
"P-pero baket? Wala naman akong allergy." Muli niyang wika.
"Ikaw wala, pero ang baby mayro'n."
Nagulat siya, at nabasa ko naman sa mga mata niya, kaya hinawakan ko ang kamay niya at napangiti.
"Actually, allergy ako sa cucumber at tomato, 'di ba dahil paborito mo 'yun napadami ang kain mo? kaya nag react ang baby." Wika ko sabay kindat.
Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin
"Allergy ka pala sa cucumber? Ano pa ba ang ayaw mo at iiwasan ko. At pwede ba 'yun na makuha ni baby ang ganun?" Tanong niya.
"Oo naman maam, kadalasan po ganun." Sagot naman ni Nurse Anna.
Napakamot na lang si Isiah, samantalang paborito niya 'yun, madalas nga niya 'yun nilalagyan ng suka, asukal at paminta sa tuwing kumakain siya.
-----_-------_-------_-------_-------_--------
Ellow po..
Happy preggy dear Isiah, 'wag ka mag-alala malalampasan mo din 'yang lihi time mo..Todo care si Steven ah, sana ikaw na lang daddy ni baby..
Storm allergy ka pala sa cucumber?
Actually si Steven din ei.. Umiinom lang ng anti allgergy🤣Please leave some comment po for me to know if okey ang story..
Thank u
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...