#AGBGatKorea
ISIAH's POV
Papunta kaming Korea, mararating ko na rin ang lugar ni Mama. Sabi ni Mama since nagpakasal sila ni papa ay 'di na siya nakauwi pa. Ang sabi niya may kapatid siya do'n, pero 'di ko naman alam ang mga pangalan.
"Isiah ano ang una mong gagawin pag dating natin."
Tanong sa'kin ni Steven, ay oo nga pala, ang kasama ko papuntang Korea ay ang magkakapatid na Mondroadou. Sinama ko din si Victoria, si Miss Suzie at syempre ang Miyu bestfriend ko at si Mr.kim.
"Natural mamamasyal ano pa ba." Ani ko sa kanya.
"Ipapasyal kita do'n."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Steven, ano pa ba magagawa ko eh 'di ko naman kabisado ang lugar na pupuntahan ko.
"Hey, baby girl."
Pagtawag sa'kin ni Seven na katabi lang namin ng upuan. Napangisi ako nang makita si Miyu na naka pulupot kay Seven, loka-loka talaga 'tong babae na 'to.
"Baket?" Tanong ko habang pinipilit na huwag matawa.
"Ano ba naman 'tong unano na 'to? Ang ingay matulog. I can't sleep."
Pag rereklamo nito sa'kin, natawa na lang ako sa parang batang pagsumbong niya sa'kin about kay Miyu.
"Hayaan mo na, die hard fan mo 'yan..." Wika kong nakangiting nakatingin kay Miyu. "Alam mo ba na kung saan ang fan sign mo ando'n 'yan, at ako ang nahihilo kaka byahe dahil diyan." Ani ko pang iningunguso si Miyu sa kanya. "Kahit seguro sa Ilocos ka pa mag-fan sign pupunta 'yan." Natatawa kong Wika.
"Really?" Tanong naman ni Seven na parang nagulat pa.
"Oo, at buti sana kung notebook pinapa-sign-nan niyan." Ani ko kay Seven. "Lahat ng album mo, dvd's mo, lalo na 'yong pinakabago, kahit tag-isang libo pa 'yan, bibilhin niyan para lang ipapa-signan sa'yo." Nakangiting wika ko.
Natahimik naman si Seven at umayos ng upo.
"Oo buti sana kung notebook pinapa-sign-nan niyan, lahat ng album mo, dvd's mo, lalo na 'yong pinakabago, kahit tag-isang libo pa 'yan, bibilhin niyan para lang ipapa-signan sa'yo"
SEVEN's POV
Siya 'yon? Yung babae na nagmakaawa sa'kin para lang sign-nan ko 'yong album ko na dala niya. And I remember that time she was the last one, and my manager told her I'm done signing, but she almost cried kaya pinagbigyan ko na lang, siya yung cute girl na yun.
"You know, I remember someone."
Napalingon naman sa 'kin si Isiah na nasa kabilang upuan lang. "May fan ako na 'di ko makalimutan it's because for 500 plus na fan that time, only that cute Girl na nagpa-sign sa cd's ko." Wika kong napangiti lang.
"Really? Sa'n na fansign mo?" Tanong naman ni Isiah.
"Sa Makati, sa Rockwell."
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...