EPISODE 3

47 0 0
                                    

OTHER PEOPLE's POV

Papasok na si Isiah sa Huangjo nang makasalubong niya ang kanyang step sister na si Maya.

"Look who'se there'' Wika ni Maya na sinamahan pa ng Evil smile look niya.

"Your step sister? I am right?"

Maarteng wika ng isa sa mga kasama ng Ate Maya niya, oh dapat ba talaga niya tawaging Ate?

"Teka? Sa'n ka na pala nakatira ngayon? At ba't kasama mo ang mga Mondroadou kahapon?"

Tinitigan muna siya ni Isiah at napapailing na lang siya sa inaasal ng kapatid niyang hilaw, nakataas ang mga kilay nito sa kanya na para bang may gustong usisain sa kanya.

"Oo nga pala 'di mo alam, Scholar lang naman ako ng mga Mondroadou hanggang magtapos ako ng college."

Nakita niyang nanlaki ang mata ng mga kaharap niya na para bang ayaw maniwala sa mga sinabi niya.

"Thats impossible okey!"

"Oo nga, nangangarap ka ba?"

Napangiti bahagya si Isiah at napapailing na lang. Palibahasa 'tong Ate niya mapurol pa sa kotselyong 'di nahasa ang utak na kahit anong pukpok mo wala ng pag-asa. Ang inaasahan na lamang ay ang yaman ng mama niya at ang pangarap na makapangasawa ng isang Mondroadou.

"Why it's impossible? Matalino naman ako, magaling, athleta sa school... So saang banda ang imposible? Nasan ba kayo no'ng ina-nounce sa auditorium ang scholarship?" Wika niyang sabay ngiti "Sa mall?"

Nanlaki ang mata ng Ate Maya niya at ang mga kasama nito, parang gusto siya nitong sunggaban nagpigil lang dahil baka ma sampolan niya.

"Saan kamo ako nakatira?" Tanong niya sabay ngiti."Sa Mondroadou mansion."

Lalong nanlaki ang mga mata nila, habang si Maya parang gustong himatayin sa mga narinig.

"S-sinungaling! P-pa-paano mapupunta d-do'n ang k-katulad mo... Aber?

"Baket? 'di mo ba tanggap na ang pangarap mo ako ang tumupad? P'wede ba Ate Maya"Wika niya na emphasize pa ang Ate Maya. "Make your mama proud na lang. At bigyan mo din naman ng karangalan ang Papa ko, na inagaw ninyo ng mama mong---"Hindi muna niya tinuloy, tila nag-iisip pa. "Huwag na lang, 'di ko na babanggitin. At isa pa... Kayong lima tigilan ninyo ako ha, kung ayaw n'yo na bigyan ko kayo ng alaala sa mga mukha ninyo na puro makakapal na make up."

Tatalikod na sana si Isiah nang may ma isip siya at hinarap niya ang lima, na ikinagulat naman ng mga ito..

"Mag-aral naman kayong mabuti, kawawa naman pala kayo 'pag kunwaring mga wala kayong pera, ang misirable ng mga buhay n'yo. Mag-aasawa na lang kayo ng mayaman para lang masabing may narating kayo. Pero ang totoo---" Wika niyang sabay ngiti "mga wala namang laman 'yang mga utak n'yo."

Sa inis ni Maya, susugurin sana niya si Isiah nang may humarang sa kanya, isang malakas na kamay ang humawak sa kanya.

"Don't you dare to touch our princess"

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon