#AGBGvaledectorianward
ISIAH's POV
Maaga ang mga studyante at mga magulang ngayong araw, kasi ngayon nga malalaman kung sino ang mga may awards na students.
Since wala akong parents si Sir Sky at Ms.Suzie ang nag-attend, natuwa naman ako at todo support si Sir Sky.
Ngayon din namin malalaman kung sino ang mga nag-top sa exam, since kami ang special section A sa'min kukuhanin ang may pinakamataas na awards.
"Isiah! Isiah!!"
Nakita kong kaway nang kaway si Miyu, lumapit naman ako sa kanya, niyakap niya ako at nag-goodluck kami sa isa't isa.
"Lei andito sila Mama ko para mag-attend." Masayang balita sa akin ni Miyu na ikinatuwa ko rin.
"Masaya ako para sa'yo, at umuwi sila Tito para mag-attend."
Niyakap ko siya ng buong higpit. Bata pa lang kami ni Miyu ay magkaibigan na kami. Si Miyu lang ang tanging nagmahal sa akin kahit mahirap lang ako. Mayaman din kasi ang pamilya ni Miyu pero mababait sila, pinalaki siya ng mga magulang niya nang mabuti at mabait.
No'ng bata pa ako madalas ako sa bahay ni Miyu, lagi ako pinapapunta nila Tita at Tito. Nagsimula 'yon no'ng binully si Miyu ng mga kapitbahay namin, at pinagtanggol ko siya. Simula no'n lagi na ako pinapapunta ng parents niya sa subdivision. Sa likod ng subdivision ako nakatira at skwater 'yon pero kahit gano'n lumaki akong matino.
"Lei? Ikaw ba 'yan?" Pag tawag sa'kin ni Mrs. Nishida.
Lei din kasi ang tawag sa'kin ng mga magulang ni Miyu, at malapit din ako sa kanilang mag-asawa, sila din nagbigay ng trabaho kay mama ko. Si mama ang ginawa niyang personal na tagalinis niya sa kwarto nilang mag asawa, kaya no'ng mamatay si mama nalungkot nang husto si Mrs. Nishida. At siya din ang nagpalibing at nag-ayos nag puntod ni Mama ko.
"Tita." Masaya ko siyang niyakap. "Na miss ko po kayo."
Napangiti naman si Mrs. Nishida at siya namang pagdating ni Mr. Nishida at natuwa din siyang nakita ako.
"Isiah hija" sabay halik at yakap sa akin "Dalaga ka na anak." Dugtong pa niya.
Niyakap ko din si Mr. Nishida, medyo matagal ko din silang 'di nakita, at ngayon lang ulit. Masaya kaming nag-uusap nang biglang dumating si Sir Sky, Ms. Suzie at Steven na ikinagulat naman nila Mr. Nishida.
"Mr. Modroadou." Bati ni Mr. Nishida kay Sir Sky.
"Mr. And Mrs. Nishida." Ani Sky saka nakipagkamay.
Nagulat kami ni Miyu baket magkakilala sila, nagkatinginan kaming dalawa. nakipagkamay din si Steven sa kanila bago nag-beso sa'kin, gano'n din si Ms. Suzie.
"I am really surprised to see you here, Mr. Mondroadou, I never thought of seeing you here… Do you have a child here?" Tanong ni Mr. Nisihida sabay napatingin kay Miss Suzie.
Namula naman si Miss. Suzie nang tignan siya ni Mr. Nishida. Napangiti naman kami ni Miyu nang mapansin namin na namumula din si Sir Sky. Very right timing Tito.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...