Weeeww, hello mga friend!!!
Hehe again kung ano man ang mababasa n'yong mga mali, kayo na lang bahalang umintindi..-----------_---------_--------_-------_--------_--
STORM's POV
Busy ang lahat sa paghahanda ng mga dadalhin namin sa beach, ang mga babae abala sa pagluluto. Kami naman ni Sky, at Steven ay nakaupo lang sa veranda ng kwarto nila kung saan matatanaw mo ang ilang bahagi ng Madeline.
"Anyway Steven... Do you have a plan to go back to the Philippines?
Narinig kong tanong ni Sky kay Steven. Napatingin naman si Steven sa'kin, bago sumagot humigop muna siya ng kape,at napabuntong hininga.
"Well, it depends on my wife. If she wants to go back to the Philippines, then we will come back." Sagot ni Steven.
Napatango naman si Sky sa sinabi ni Steven. Magsasalita din sana ako nang naramdaman kong may humawak sa'kin. Napalingon ako at nakita ko si Jys na nakatingin sa akin...ang cute niya, kamukhang-kamukha siya ni Steven. Tinignan lang ako ng dalawa kong kapatid, at napatingin din ako sa kanila saka kinarga si Jys.
"He likes you..." Ani Steven na ikinangiti ko lang.
"I think so..." Tingin kay Jys, "ang cute."
Napangiti naman si Steven sa sinabi ko. Habang nag-uusap kami panay likot ni Jys at pilit inaabot ang cellphone na hawak ko, napatingin ako sa kanya at nilapit ang cellphone, sabay kiss sa ulo niya.
"Kaylan kayo magkakaganyan ni Victoria?"
Nagulat naman kami sa bagong salta na si Seven, at bitbit pa niya si Zyz. Nilaro-laro niya ang bata at kinikiliti tawa naman nang tawa ang baby bagay na mapapalingon si Jys pero babalik din ang tingin sa cellphone ko.
"Oo nga Storm...baket nga ba wala pa?" Tanong naman ni Sky.
Sa halip sagutin ko, napailing na lang ako sa tanong nila at binaling ang atensyon sa bata.
"Well napakasaya na may bata kang inaalagaan, nakakawala ng pagod kapag nakita mo ang pinaghirapan mong buohin gabi-gabi pag-uwi mo." Wika naman ni Steven.
Nagtawanan sila Sky at Seven sa sinabi ni Steven, maging ako napatawa na rin saka sinabihan ko siyang baliw na ikinatawa ulit namin, ngayon lang ulit kami ganito sa ilang araw na pamamalagi namin dito ngayon lang kami naging masaya ulit.
Maya lang natawa si Sky habang may tinitignan sa cp niya, nagkatinginan naman kami nila Seven at nagtataka ba't siya natatawang mag-isa.
"Wae haneul-eul usgo issni?"
(Bakit ka natatawa sky?) Tanong ni Steven.Napatingin naman si Sky kay Steven na nakangiti pa din.
"Hal-abeojiui daehwa-eseo naneun miso jieossda." (Napangiti lang ako sa chat ni lolo)
Napangiti naman kami nang marinig ang sinabi ni Sky, na miss ko na din ang mga matandang yun na once in a bluemoon lang sumipot sa Pinas. At ngayon lang din namin nakitang tumawa si Sky ng ganito ka saya.
"Wae? hal-abeoji, mwola guyo?"
(Bakit? Ano ba sabi ni lolo?) Tanong ni Steven."Masaya daw siya at masaya tayo, heto o may picture pa kuha ng asawa mo."
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...