EPISODE 9 PART 6 The fairwell

53 0 0
                                    

Next story
•The Savage Queen
Portrait character by IU

-------_--------_-------_-------_------_------

STEVEN's POV

Nasa Airport kami para ihatid sina Seven pabalik ng Pinas, pero may kanya-kanya muna silang dadaanan. Si Sky at Miss Suzie dadaan muna sa Korea para bisitahin si Storm at Vicky at maging ang lolo at lola na rin.

Samantalang si Seven ay dadaan muna sa Japan para ihatid ang kasintahan na si Miyu. Nagyakap nang mahigpit si Miyu at Isiah, ito ang mahirap kay Isiah 'pag nagpapaalam ay iyak nang iyak, niyakap din niya si Miss Suzie at Sky.

"Pa'no ba 'yan we will go ahead, aayusin ko din yung mga issue about kay Vicky na nababaliw na, matindi ang pinagdadaanan ng pamilya ngayon." Ani Sky

"Sir, malalampasan din 'yan ng pamilya niyo." Sagot ko naman.

"Pamilya natin." Aniyang nakangiti. "ije dangsin-eun gajog-ibnida. gieoghaseyo. dangsin-eun siljelo seutibeun-ui yaghonjaibnida." (You are a Family now, remember, you are steven's Fiancèe, for real.) Saad naman ni Sky kay Isiah.

"Salamat Si---"

"Kuya" pagputol ni Sky sa sasabihin sana ni Isiah. "naleul keun hyeongnim-ilago bulleojuseyo." (Please call me big brother.) Dugtong niya na ikinangiti ni Isiah. Napatingin muna sa akin si Isiah na ikinatango ko.

"Gomawoyo, keun hyeongnim." (Thanks, big brother.) Nahihiyang saad ni Isiah.

Napangiti sa kanya si Sky saka niyakap siya, ganun din sa'kin ay kay Seven since magkaiba sila ng flight. Si Seven naman saka na babalik sa showbiz kung maaayos na ang issue kay Vicky.

Nagyakapan ulit si Miyu at Isiah, matapos ay si Seven naman niyakap siya nito nang mahigpit saka hinalikan sa pisngi at ginulo ang buhok na ikinatawa naman ng asawa ko.

"See you in Philippines soon." Ani Seven.

"Bye beshy..." Yakap ulit ni Miyu

Saka pumasok na sila sa departure. Kami naman ni Isiah nang mawala na sa paningin namin ang mga hinatid ay hawak kamay kaming bumalik sa kotse.

"Hun, may dadaanan lang tayo."

Saka ko pinaharurot ang sasakyan ko, mahaba din ang naging byahe namin bago marating ang isang bahay, nagulat naman si Isiah.

"K-kaninong bahay to Hun?" Nagtaka

"I brought this house for our twins soon."

Nagulat siya, iginiya ko siya papasok, namangha siya sa mga nakita niyang kagamitan, simple lang ang bahay pero unique.

Dinala ko siya sa kwarto ni Zys, namangha siya sa kulay, dusty blue ang kulay ng kwarto ni Zys. Habang abala siya niyakap ko siya na 'di naman niya ikinagulat.

"I'm happy to hear that the twin was mine." Ngiti ko. "Ako pala naghirap magpunla nun."

"Mas masaya ako hun." Nag isip. "Teka kaylan ba nangyari 'yun?" Tanong niya.

Napaisip din ako, oo nga noh? Kaylan ba nangyari yun? Ang naalala ko lang that time may matinding problema si Isiah, naabutan kong naglalasing sa kwarto niya.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon