STEVEN's POVPinakita ni Sky sa'kin ang tabloid na dala niya, 'di na ako nagulat sa halip natuwa ako.
"Yes she is my fiance."
Nanlaki naman ang mga mata ni Sky, habang si Storm pailing-iling lang. Mayamaya lang patakbong pumasok si Seven dala-dala ang tabloid ng Huangjo University..
"Hey! What do you mean by this?"
Pinakita niya sa'kin ang tabloid na hawak niya. Tiningnan ko lang din ang dala ng kapatid ko at kampanteng nakaupo lang.
"You can't see? Nakasulat naman 'di ba? Itatanong mo pa, ayan na nga eh."
Wika ko sa kanya habang tinuturo-turo ang magazine na naglalaman ng balita. Inis naman niyang tiningnan ang magazine.
"Ngunit pa'no mo siya naging fiance?"
Halos maiyak niyang tanong sa'kin, ako naman parang matatawa lang sa mga reaksyon niya.
"Normal, nag-propose ako. Simple 'di ba? Alangan namang inangkin ko lang na fiance ko siya."
Hindi pa rin makapaniwala si Seven, alam kong magkaibigan sila ng fiance ko daw, no'ng una kong makita ang babae na 'to ay napahanga na niya ako dahil astig siyang pomorma.
"What did you do? For your more information, hindi siya ang babae na iniisip mo, iba siya."
Pagtatanggol niya sa kaibigan niya, napangiti ako dahil alam ko naman na iba siya at hindi siya bastang babae lang.
"Alam ko." wika kong nakatingin sa kanya. "kaya nga fiance ko 'di ba?"
Napapakamot siya kaya tuwang-tuwa ako habang tinitignan ko siya.
"Hindi siya ibang babae, gagamitin niya lang kayo, Pera lang ang habol niya."
"Hindi siya gano'n!"
Halos sabay naming tatlo na sigaw sa kanya, nagkatinginan naman kaming tatlo at nagtaka sa isa't isa, samantalang si Storm ay mababakas ang pagkagulat sa mukha niya.
"T-teka S-Sky... Ah.. I mean Kuya Sky? Don't tell me na-meet mo din siya?"
Hindi lang umimik si Sky, silent means Yes, na-meet nga niya ito.
"A-ano kuya? Sa'n mo siya na-meet??''
Ang kulit ni Seven, ganyan 'yan siya, 'di titigil hanggat 'di nakukuha ang sagot.
"Yes sa school, and---"
Napatingin muna siya kay Storm "nakita ko nga kung pa'no niya muntik nang pilayan si Storm."Nanlaki ang mata namin ni Seven habang nakatingin kay Storm,
'di halos makatingin si Storm sa'min. Kunwari patay malisya siya at walang narinig.
"Totoo ba 'yon Kuya Storm?"May paghanga pang tanong ni Seven sa kanya, napangisi lang ako habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...