EPISODE 2 PART 4 SKY and I

52 1 0
                                    

ISIAH's POV


Ang laki ko talagang malas ngayong araw na 'to at puro mga Jerk ang nakakatagpo ko. Impaktong 'yon, Anong akala niya sa'kin atat sa artista, loko na 'yon..

"Ang yabang..." inis kong lingon sa pinanggalingan ko, nagsusuntok pa ako sa hangin. "Baliw! Kung gusto ko mag-artista matagal ko na ginawa!" naiinis kong wika na sinabayan ko pa sa pagsuntok sa hangin.

Banas na banas talaga ako sa taong 'yon, at ano ba pakialam ko kung Mondroadou siya! Pariho lang naman kami kumakain at tumatae! Impakto!

"Huwag na 'wag na kitang ma-meet!!"

Sigaw ko habang napasuntok pa sa hangin. Aalis na sana ako pero may bigla akong nabanggang lalaki dahilan para mauntog ako..

"Aray ko po." Wika kong sapol-sapol ko pa ang aking noo dahil sa sakit.

"Sir okey ka lang po ba?"

Narinig kong tanong ng isang babae, 'di ko pa inaangat ang ulo ko dahil medyo masakit pa at kanina pa ako nauuntog.

"Are you okey?"

Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Yumuko ako at binati ko siya, gano'n din siya sa'kin. Mabuti pa 'tong isang 'to, kahit ako ang nakabangga ako pa ang tinanong kung okey lang ako.

"Pasensya na po" wika kong may hiya pa. "Hindi ko po tinitingnan ang dinaanan ko." Nahihiya ko pang wikang muli sa kanya.

Parang ganito din ang nangyari kanina..

"Parang may kaaway ka? Kanina pa kita napapansin na galit na galit ei."

Napangiti ako ng may hiya sabay kamot sa ulo... Ano ba 'yan, sa subrang inis ko sa bagyong 'yon ei nakalimutan ko na ang sarili ko... Kaloka.

"Ah kasi po may sinampolan lang po ako kanina ng kunting disiplina... Bastos kasi."

Napansin kong napangiti 'yong poging kuya sa sinabi ko. Ako naman napakamot na lang ng ulo.

"By the way po... Ano po pala ang pangalan n'yo?"

"Ah, I'm sorry. I'm Sky Mondroadou... And you are Isiah right?"

At gumuhit sa mukha ko ang gulat, takot at pagkakapahiya nang marinig ko ang kanyang sinabi. S-Sky M-mondroadou?? nanaman??


Another Mondroadou nanaman?! Ano ba mayro'n sa araw na 'to at puro Mondroadou ang nakakatagpo ko😭

Magkakasakit na ata ako sa Puso ko, nako po Jusko mahabaging langit, pinaparusahan na ba ako sa katigasan ng puso ko at nangyayari sa'kin ngayon 'to??? Sumpa na ba 'to??


"Ano ang nangyayari sa'yo? Okey ka lang ba?''

Napatingin ako sa kanya na namumutla, ibig sabihin.. Mula sa bunso hanggang sa panganay na Mondroadou ay nakatagpo ko? Napapalibutan nila ako!!

"Miss Cruz.. Are you alright??"

Bigla akong nahimasmasan sa tanong niya, kaya naman inayos ko ang sarili ko..

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon