#AGBGmemories
ISIAH's POV
Ang sarap alalahanin ang mga nakaraan, mga nakalipas, parang kaylan lang napakagulo ng buhay ko. Ang paghihirap namin ni mama, ang pananakit sa'min ni papa.
Kaya ko na bang magpatawad? Sa taong nanakit sa'min ng mama ko? Handa ko na ba silang harapin? Ang dami... Ang daming katanungan sa puso at isip ko, mga katanungan na ang hirap masagot.
Ang Pilipinas, may mga alaala na maganda at panget, masaya, at minsan malungkot. 'Di ko alam kung kaya ko na humarap sa mga taong nanakit sa'kin.
FLASHBACK 10 YEARS AGO
"Aba? Pakalat-kalat ang mga basura dito! My gosh, what the heck!" Ani ng kabet
Yung mga panahon na yun... Nagmamakaawa si mama na balikan na kami ni papa, bata pa ako nun, wala pa ang Mondroadou sa buhay ko. 'Yun 'yong mga panahon na una kong nalaman ang ginawang pangangaliwa ni papa.
Bago pa man ako natutong lumaban, naghirap muna ako, at ang araw na 'to 10 years ago ay ang araw na una akong tumapang para sa mama ko.
"Ha! Ha! Ha! I really don't know that my husband didn't have the right taste before when it comes to choosing a---" tingin kay mama. "Partner… Mga cheap pala dati ang hilig niya?"
Tiningnan ko lang ang mukha ni mama, nasasaktan siya, at ang ama kong walang hiya 'di man lang siya kayang maipagtanggol kahit ngayon lang. Tiningnan ko si papa sa kotse nila, pero wala itong pakialam, dun sumiklab lalo ang galit ko, akala ko matatapos na ang pang-aalipusta nila sa mama ko nung araw na sumakay kami ng taxi para puntahan si papa, pero 'di pala.
Tumayo ako na may tapang, nagulat si mama sa ginawa ko, at ang kabet ni papa nakataas ang mga kilay na tinitigan ako.
"Oo, cheap ang papa ko.. Sa pagpili nang partner." Ani ko sabay tingin kay papa.
Nang marinig iyon ni papa tinitigan niya ako nang masama, habang ang kabet niya nakangisi, mga ngising 'di ko makakalimutan kung pa'no napalitan ng pait.
"Sa katunayan, 'di nga siya nagbago ei, hanggang ngayon wala pa rin siyang taste." Wika ko sabay tingin kay kabet. "Kasi cheap na nga at basura ang dati niyang asawa... Mas cheap, naaagnas, nangangamoy at nabubulok na basura naman ang pinalit niya."
Napawi ang kaninang ngiti sa mga labi niya, mga ngiting gusto na akong sunggaban, sabunutan at awayin, pero dahil madaming nanunuod ay nagpipigil siya. Si papa naman bumaba sa kotse niya at lalapitan ako para sampalin sana pero nabigo siya.
"Subukan mo na sampalin ako! dahil 'di ako mag-aatubiling paglalasug-lasugin ko ang katawan n'yo." Tinitigan ko ng masama si Papa. " 'Di na ako ang dating Isiah na kaya mong saktan sa tuwing napagsasabihan ko ang kabet mo ng masakit!" Pinatayo ko si mama. "Wala nang pwedeng manakit sa kanya, hindi ikaw... Kung sasaktan mo ulit si mama... Ako na ang makakalaban mo."
Nagulat si papa nang araw na yun, nagulat siya sa mga nakita niyang galit sa mata ko, sa loob ng puso ko. 'Di ko siya mapapatawad, yun ang nasa isip ko nung mga panahon na yun.
"Umalis na tayo hun." Pagyaya ni papa sa kabet niya. "Tara na."
"No Arnold." inis na wika ng kabet. "It is okey to you na binabastos ka ng anak mo na 'to?" Tingin kay Isiah. "Ang anak mong bastarda.. At asawa mong basura."
Okey lang sana kung ako lang, pero yung isasama ang mama ko ibang usapan na yun, 'di ko matatanggap na ang mama ko lalaitin niya. Kaya nilapitan ko siya para itulak, pagkatulak ko nasalo siya ng papa ko.
"Isiah! 'Wag mo itutulak ang tita mo!" Ani ng papa ko.
"Hindi ko siya tita! At lalong 'di ko siya kaano-ano!" Sigaw ko sabay tingin sa kabet. "Ikaw, okey lang sa'kin na laitin mo ako, pero yung lalaitin mo ang mama ko, ibang usapan na 'yan... Pagdating sa mama ko, kaya kong makipagbalatan ng buhay."
Mahinahon lang ang pagkawika ko pero madiin, pagkatapos ko sinabi sa kabet 'yun, hinarap ko ang papa ko, 'di siya halos makatingin sa'kin.
"Tignan mo ang babaeng 'to" turo ko kay mama. "Pagdating ng araw 'pag nagkasakit ka maaalala mo din si mama, pero kung darating man ang araw na mangyari yun... 'Wag na 'wag kang uuwi."
Pagkasabi ko niyon, hinila ko si mama, at lumayo na kami sa lugar na yun..
-END OF FLASHBACK-
Mga ala-ala na ayaw ko na sana balikan, pero kailangan kong harapin, kailangan kong tapangan ang loob ko na muling makita ang mga tao na nanakit sa amin, sa amin ng mama ko. Hindi man ako handa na muli silang makita, pero kailangan kong tibayan ang loob ko.
Naalala ko din ang mga memories ko, nang una akong mapunta sa mga Mondroadou. Mga taong stranger sa'kin, pero sila din ang ngabigay ng pag-asa para magsumikap ako.
Ang alaala ko sa Huangjo, sa Mond. Shire, sa Pilipinas.. Sa Korea at dito sa Paris. Lahat 'yan nakabaon sa alaala ko na parang flashdrive yung utak ko na naka-save lahat ng mga files.
May mga files na dapat sana dini-delete ko na, pero 'di ko pa mabitawan. Ano ba ang kailangan ko? Closure? 'Di ko rin maintindihan.
Dapat nga yung mga masasakit na alaala ay burahin ko na, pero ang pinagtataka ko kung baket hanggang ngayon 'di ko pa rin magawa.
Sabi nga, ang tao parang computer, minsan natatamaan ng virus, dahilan para magka-deffect ang mga data. Pero sana ang tao katulad ng computer na pwede installan ng anti-virus.
Para 'di na tayo masaktan, 'di na tayo malungkot... At umiyak, may pagkakataon na nagkakamali din ang tao, pero sa pagkakamaling yun kailangan nating matuto.
Sa nalalabing panahon namin dito sa Paris, maiiwanan ko ang magandang alaala at masasayang araw namin dito. At muli haharapin namin ang mga naiwang mapapait na alaala sa Pinas, at kailangan naming harapin.
-----------
*********"Ate Loi, nahanda n'yo na ba ang mga gamit ng mga bata?"
"Yes maam." Ani Ate Loi.
Si Ate Loi ang yaya ni Jyz, samantalang si Ate Gina naman kay Zys, excited na din sila na makasama sa Pilipinas para malapit na din sila sa pamilya nila. Kay Ate Loi nasa bulacan ang pamilya niya, samantalang si Ate Gina naman sa Laguna.
Aalis kami para asikasuhin ang passport ng mga bata. Kung ako papipiliin gusto ko dito mag-stay na lang, dahil dito pinanganak ang kambal ko dito ang citizenzhip nila. Pero gusto ko sanang i-dual citizen sila, kaso nga lang medyo matatagalan pa.
"Ate Loi, Ate Gina aalis na po tayo, nasa baba na si Sir n'yo."
Pagkawika nun ay sumunod naman agad sila Ate Loi. Ako ang nag bitbit kay Jyz at Zys pababa, at sila na lang ang nagdala ng gamit ng kambal.
Pagkalabas namin sa hotel sinalubong agad ako ni Steven para tulungan sa mga bata, hinalikan niya ako at ganun din ang kambal. Pinasakay na niya sa likod ang dalawa, nang matapos ayusin nila Ate Loi ang gamit ng dalawa tumabi na rin ang mga ito sa kambal.
------------_---------_---------------_-----------_-----
GoodLuck Isiah at Steven sana maayos nyo agad ang passport nang kambal...
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Roman d'amour"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...