EPISODE 5 PART 6 A LONELY HEART

44 0 0
                                    

#AGBGlonelyheart

OTHER PEOPLE's POV

Ang pag-ibig minsan napakasakit. Lalo na kapag hindi mo alam kung paano mo lalabanan ang sakit. Oo napakasarap magmahal, ito ang nagsisilbing buhay ng puso mo, pero minsan masakit din ito.

Sabi nga nila, 'wag ka mag sawang magmahal. Hanggat nabubuhay ka patuloy kang magmamahal, patuloy mong buhayin ang puso mo, patuloy mong bigyan ng kulay ang paligid mo.

Madaming klase ang pagmamahal, may masaya, may malungkot, minsan para ka nitong babaliwin sa kasiyahan, pero papatayin sa sakit.

Ang tao 'pag nagmamahal, wala silang ibang iniisip kundi ang magmahal na lang. Ang puso kasi masyadong mapagmahal, kadalasan kasi, mayro'ng mga bagay na nauunawaan ang puso na 'di kayang intindihin nang isip.

'Pag ang puso kasi tumibok, wala ka nang magagawa. Natatalo minsan ng puso ang isip, kaya may mga taong nakakapili ng mali. Pero sa totoo lang, walang pagmamahal o pag-ibig na mali, ang mali minsan ay ang taong minahal.

"Isiah baket ba ang lungkot mo?"

Ang mga nilalang 'pag nagmahal, alam ng puso nila na handa nilang isakripisyo ang lahat nang mayro'n sila, na minsan ayaw ng puso.

(Isiah and Steven at the background image in the different place)

May mga taong, alam nilang mahal nila pero 'di nila kayang ipaglaban, 'di nila kayang sabihin sa mga taong mahal nila na mahal nila ang mga ito. Nagtatago sila sa takot na baka 'di maintindihan o 'di matanggap ng mga taong gusto nila ang nararamdaman nila.

(Storm and Victoria at back ground image in different place)

Meron ding mga tao na pilit kinukubli sa mga sarili na mas mainam pang magkunwari sa mga bagay na 'di totoo matakpan lamang ang tunay na mga nararamdaman. Masakit man o makasakit man, pilit magbulag-bulagan 'wag lang maipahayag o malantad ang tunay na nararamdaman.

(Sky and Suzie at the background image in same place)

May pag ibig din na 'di nabibigyan ng pansin dahil ayaw pa tuklasin kung ano talaga ang nilalaman ng puso. Mga taong mahal nila ang isa't isa pero 'di maipahayag dahil sa istado ng buhay at posisyon, mga nagmamahal na nasa tamang panahon at oras, pero nasa maling sitwasyon.

----------------

*********

"Lei malapit na ang finals natin, ga-graduate na tayo!" Ani Miyu sabay yakap kay Isiah.


ISIAH's POV

'Di ko namalayan, dalawang buwan na din pala ang nakalipas, pero malungkot pa din ako sa 'di malamang dahilan. Pero dahil sa mga kaibigan ko at ka-group ko ay nagiging masaya pa rin naman ako.

Isang buwan na ang nakalipas matapos pag-usapan ang kasal nina Victoria at Storm. Gaganapin ito pagkatapos naming mag-graduate, samantalang kami ni Steven ay nagbabalak na mag-aral abroad.

Sa susunod na linggo gaganapin ang finale exam, at pagkatapos no'n magpapahinga na kami para makakuha ng exam sa college. Si Miyu naman nagbabalak umuwi ng Japan at do'n magtatapos ng fine arts. Pero nangako kami sa isa't isa na 'wag mawalan ng communication sa isa't isa.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon