EPISODE 3 PART 9 The Games

46 0 0
                                    

#AGBGisiahsGames

OTHER PEOPLE's POV

Maaga naging abala si Isiah sa araw na 'to, sapagkat ito ang araw ng kanyang laban para sa national competation, kaya naman halos 'di siya mahagilap ng mga kasama niya sa bahay.

Sa kwarto niya busy sa pag aayos si Isiah ng mga gagamitin niya sa laro niya. Bago niya tatapusin ang ginagawa ay inayos muna niya ang sarili niya, naglagay siya ng deodorant at nagpahid sa mukha.

Hindi siya maarti kaya kunting powder lang ang nilagay niya sa mukha niya since maputi naman siya at natural rosy cheecks. At dahil natural pink naman ang kanyang lips ay nag-lip gloss na lamang siya.

Sinuot na niya ang kanyang damit. Hindi maarti sa damit si Isiah, kaya naman naka T-shirt at short ito na hanggang lampas tuhod na six pocket, saka sinout ang sapatos niya na rubber shoes.

Pinatuyo muna niya ang kanyang buhok, nakaharap siya sa salamin habang binoblower ang mahaba niyang buhok na hanggang beywang na.

Nang matuyo ito ay pinusod niya ng naka ponytail na bumagay naman sa kanya. At matapos ayusin ang sarili ay binalikan niya ang kanyang mga gamit na inaayos niya kanina. Nasa gano'n siyang ginagawa nang may kumatok sa pinto niya.

Pinagbuksan niya ito at iniluwa ng pinto si Seven na nagtataka sa suot niya. Napakamot ito ng batok habang pangiti-ngiti.

"Miss black belter ba't 'yan ang ayos mo? Para kang lalaki."

Natawa muna si Isiah at pinapasok siya bago sinara ang pinto. Naupo na rin ito sa tabi niya habang inaayos ang mga gamit, napapailing na lang ito sa ayos ng dalaga.

"Baket?" Tanong ni Isiah kay Seven na ikinailing naman nito.

"Wala naman, natutuwa lang ako sa ayos mo."

Wika ni Seven na parang matatawa pa. Tinignan muna ni Isiah ang ayos niya saka napangiti sa kaharap.

"Normal na sa'kin 'tong ayos ko kahit no'ng elementary pa ako." Paliwanag niya sa kaharap.

Napatango na lang si Seven at tumulong na rin ito sa pag aayos nang gamit niya, naabutan sila ni Steven sa ganung sitwasyon.

"Hindi pa ba kayo tapos jan? Let's go na baka ma-late tayo." Ani Steven.

Dali dali namang lumabas na ang dalawa, nang makita sila ng mga bodyguard ay tinulungan silang dalhin ang gamit ni Isiah. Si Steven na rin ang nag-lock ng pinto ng kwarto ni Isiah.

Sa labas naman napansin ni Seven at Isiah ang van na white, dahil wala pa si Steven napatayo muna sila do'n.

"Miss black belter Good luck ha." Pagbati ni Seven kay Isiah.

"Salamat, sa concert mo ako naman manunuod." Wika naman ni Isiah na may ngiti.

"Ayttttz... 'wag mo na ipaalala sa'kin 'yon, nalulungkot lang ako."

Natawa lang si Isiah sa sinabi ng kaibigan, maya lang ay dumating na si Steven at nagulat pa ito ba't 'di pa sila sumakay.

"Why andito pa kayo?" Takang tanong ni Steven sa kanila.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon