Hello everyone..
Welcome to episode 8------_------_------_-------_-----_------
****-*****-******-******-*****-*******
AFTER 1 YEAROTHER PEOPLE'S POV
Busy si Storm sa mga negosyo nila, isang taon na din ang nakalipas. Si Victoria naman medyo bumabalik na sa dati, naging abala na din ito sa mga exibit na pinapatayo niyang art gallery niya.
Nabalitaan din niya kay Sky na matataas daw ang grades ni Isiah at nagsisikap ito para mapataas pa ang grades niya, naisip na lang ni Storm na hindi sila binibigo ni Isiah.
"Sir Storm nandito po si Miss Victoria"
Narinig niyang wika ng secretary niya mula sa intercome. Pinapasok naman niya ang asawa at pumasok itong may matatamis na ngiti sa labi nito.
Lumapit siya at humalik sa asawa, nilapag nito ang bag sa sofa na nasa office niya at nagtimpla ng kape para sa kanya.
"Kumusta ang araw mo mahal ko?" Lapag ng kape. "Inumin mo 'to at parang stress ka."
"Salamat."
Napangiti lang ang asawa niya't umupo ito sa sofa at nagbasa ng mga magazine.
"Mga bago ba 'tong magazine mo? Ngayon ko lang nakita ei." Wika ni Victoria na ikinalingon naman ni Storm.
"Mga bago?" Tanong ni Storm sabay lapit sa asawa. "Hmm seguro kakapasok lang niyan, ngayon ko lang din nakita 'yan."
Bumalik siya sa table niya at naupo, binuksan ang Laptop at nag-check ng mga emails, habang abala siya abala naman ang asawa niya sa kakabuklat sa mga magazine nang matahimik ito. Nagtaka naman siya sa nanahimik na asawa.
"Are you okey? Babe..." Tanong ni Storm.
Nanatili itong nakatingin sa magazine at walang imik, kaya 'di na niya napigilan ang sarili at lumapit na siya dito. Nanlaki din ang mata niya nang makita ang magazine na binabasa ng asawa.
Nasa magazine si Steven at Osiah, kasama ang mga anak nila, nakalathala sila sa Paris Today na headlines. Biglang may kumatok sa pinto at niluwal nito si Sky.
"Nabasa mo na ba ang headline sa Paris today? Nakita ko si Steven at Isiah."
"Hindi pa, pero binabasa na ni Vicky." Ani Storm kay Sky.
Tumayo si Victoria at kinuha ang bag, nagpaalam na ito sa kanya at sinabing baka kailangan na siya sa shop niya. Hinalikan niya ang asawa at nagpaalam kay Sky, tumango na lang ang panganay ng Mondroadou.
Niyaya niya si Sky na maupo, at inutusan niya ang kanyang secretary na ipaggawa ng maiinum si Sky.
Matagal din silang nag-usap na dalawa, kung saan-saan na napunta ang pag-uusap nila.
-----------------
************Headlines: Paris today
Mr. Mondroadou and family.
Good day Paris, one of the heirs of Mondroadou Corp. Had their first family photo. We caught them at a "show your image" photo shop which took the first family photos and were taken by the famous photographer, Shamer Jones.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...