#SuzieandSkybreakup
Hello everyone..
Abangan nyo po ang nalalapit na pagtatapos nang story ko..Next story in line
°The Savage Queen
Portraited by IUTo be followed story po sa wattpad
Please add me in my Fb group
A writers page and my Fb account Neftali Asher-------------------------------------------------
"Seven," pagtawag ko kay Seven.
"Oh, baby Girl? Baket?"
"Wait!" Lapit kay Seven. "Magtatanong lang, ba't naghiwalay si Kuya Sky at Miss Suzie?" Tanong ko dahilan para mapabuntong hininga siya.
"Ganito kasi yun..." Panimula niya.
OTHER PEOPLE's POV
Sa opisina ni Sky, nagtatalo sila ni Suzie about sa lalake na umaaligid kay Suzie, ang CEO ng Kanilang katunggali sa negosyo. Nanliligaw ang lalaking yun kay Suzie bagay na ipinagselos naman ni Sky ng husto."Iyan ang hirap sa'yo! Young Master," emphasize ang young master. "Nagseselos ka nang wala sa lugar!" Ani Suzie
"What?! C'mon! Sino ba ang hindi magseselos sa nakita ko?" Nakangisi naman saad ni Sky. "Suzie... Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito... At 'di mo ako masisi kung ganito ako mag-react!" Aniya sabay kamot sa batok niya."Y-you can't feel? He likes you!"
Tumalikod si Suzie at nagpunta sa bintana, nag-isip siya, halos maiiyak na siya. Mahal naman niya si Sky pero 'di niya alam ba't naguguluhan siya. Pagkasama kasi niya yung CEO nang kabilang company ay parang masaya siya, 'di na rin niya alam ang nararamdaman niya sa ngayon.
"Suzie, kaya din ako nasasaktan... Ay dahil nakikita ko ang saya sa mata mo na 'di ko na nakikita 'pag kasama mo ako." Wika ni Sky na may lungkot. "Since no'ng makilala mo siya nagbago ka sa'kin, I can't feel your love anymore, alam mo na ikaw ang una at huling babae na nagpatibok nang puso ko... kaya nasasaktan ako nang ganito, nasasaktan ako sa mga iniisip ko na---" pikit mata niyang pabitin sa sasabihin... "Na wala ka nang pagmamahal sa'kin."
Napatakip ng bibig si Suzie nang makita si Sky na umiiyak, firstime niya itong makitang umiiyak sa tatlong taon nilang magka-relasyon. Naging official ang kanilang relasyon three years ago nang umuwi sila galing sa Paris.
"Mahal mo pa ba ako Suzie?" Tanong ni Sky.
Napaupo si Suzie, dahil ang totoo naguguluhan na din siya. Pero kung 'di niya susundin ang puso niya, mahihirapan sila pariho ni Sky. Naglabas siya ng papel na white at inabot kay Sky. Nang makita ni Sky 'di na siya nagtanong, umiyak na lang siya nang umiyak.
"Sorry Young Master, pero gusto ko muna ng kalayaan... Gusto ko muna alamin ang totoo kong nararamdaman, sana maintindihan mo."
Wala nang dalawang sabi tumayo si Suzie saka lumabas na 'di inaantay ang sasabihin ng kanyang Young Master. Umalis siyang nabalot ang opisina ni Sky ng lungkot at pighati.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...