#AGBGhappytripseven
SEVEN's POV
Oh, pa'no ba 'yan? Pansamantala muna akong mamamaalam sa aking POV, kasi nga po ako ay papasok sa military.
Maaga nagising lahat ng tao sa mansion para magpaalam sa'kin, 'di naman ako umiyak pero ang mga kasama ko sa bahay ay parang akala mo sila ang papasok sa military.
"Makaiyak naman kayo, ang totoo? Sino ba sa atin ang papasok?" Pabiro ko sa mga tao sa bahay.
Nagtwanan sila sa sinabi ko, at isa-isa nila akong niyakap. Kasabay ko sila Lolo at Lola pupunta nang Korea. Kaya obligado kaming mag-military dahil naka dual citizen ang pamilya namin.
Nagpasya na kaming umalis, sa kabilang kotse ang sakay ay si Lolo at Lola kasama si Sky at Steven, at si Mr. Park ang driver nila.
Kami naman sa van, kasama si Ms. Suzie sa frontseat, ako naman ang katabi ko si Isiah at Miyu at sa likod namin si Victoria at Storm." 'Di ko man lang ma papanood ang graduation n'yo." Nalulungkot kong Wika.
"Hindi bale oppa, sa college na lang na graduation." Wika naman ni Miyu.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Miyu, at habang tinititigan ko siya ay maganda din pala siya kaya napa smile nalang ako.
"Ano ba course n'yo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ako balak ko mag fine arts." Si Miyu ang sumagot. "Si Isiah naman gusto niya mag engineer."
Napa wow naman ako kay Isiah, 'di ko ini-expect na gano'n ang pangarap niya. Sa bagay matalino siyang tao kaya alam kong kaya niya, kaya nga pinili siya ng pamilya ko na maging scholar dahil matalino siya.
"Pero balak ni Isiah mag aral abroad." Ani Miyu.
Napatingin naman ako kay Isiah na walang imik. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, 'di nga namin alam kung naririnig ba ni Isiah ang pag-uusap namin.
"Pwede naman 'yon, tiyak matutuwa sila Lolo niyan." Ani ko naman.
"Ang tanong kaya ba niya abroad?"
Sabat naman ni Victoria dahilan para mapalingon kami ni Miyu sa likod. Ano kaya nangyayari kay Victoria na 'to? Hindi naman 'to ganito dati? Kumbaga parang naging kontrbida sa buhay ni Isiah.
"Baket naman hindi? Matalino naman ako sa klase." Walang buhay na sagot ni Isiah.
"Alam mo ikaw Victoria, nagsisimula ka nanaman! Ano ba nangyayari sa'yo? Dati prinsesa ang tingin namin sa'yo, pero ngayon para kang uwak ng mangkukulam na putak nang putak, 'di ka mapakali."
Natawa ako sa sinabi ni Miyu na ikinainis ni Storm at Victoria, kaya naman as usual to the rescue ang rebelde sa kapwa niyang nag rerebelde na din.
"Tumigil ka Miyu ha, baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo." Ani Storm.
Napalingon naman kami ni Isiah, habang sila Mr. Kim at Ms. Suzie nakikiramdam lang muna sa'min. Napakapit naman si Miyu sa braso ko samantalang si Isiah galit na nilingon sila.
BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...