CHAPTER 5

9.7K 299 6
                                    

                            Bawat madaanan namin namamangha ako dahil hindi ko akalaing na ang mga napapanood ko at nilalarawan ko sa nobela ay makikita  ko sa personal.


"Bilisan mo ang paglalakad" wika ni maiko sa akin.


Hindi ko mapigilang huminto dahil napapatitig ako sa mga lumilipad na fireflies at hindi basta basta ito dahil nababalotan ng maliwanag na kasing liwanang ng araw.


Sinubokan kong hawakan ang lumilipad sa harap ko ngunit pinigilan ako ni maiko.


"Don't...." napalingon ako rito.


Anong problema nito?


"Ang mga Ariparo ay mapanganib hawakan, ang sinumang magtangkang humawak rito ay nasusunog" napatingin ako sa umpokan ng ariparo.


Hindi ko akalaing mapanganib ang mga ito sapagkat ang alam ko sa fireflies ay isang uri lang ng insecto.


"Mapanganib? diba ang mga fireflies ay mga insecto lang ang mga ito?" baling ko rito.


"Ariparo is not fireflies? they are kinds of faries. They are lovely in distance but when you got close and touch them they cause you a pain. Maliit man sila ngunit kaya ka nilang sunogin."


Hinila niya ako upang mag patuloy kami sa pag lalakad. Huminto kami sa isang malaking puno kinampay nito ang dalang ispada napamulagat ako ng gumalaw ang puno at sa gitna nito may bilog na lagusan.


Tumingin si maiko sa akin, inilahad nito ang kamay nag aalangan akong ibigay ang aking kamay.


Napatingala ako lord sana gabayan mo ako.... piping dalangin ko.


Napapikit ako sa silaw ng liwanag na tumama sa akin.


Unti unti kong minulat ang aking mata at napatunganga ako ng mapagmasdan ang paligin. Maraming puno ng prutas ang nakapalig sa amin, sa di kalayuan may waterfalls na pwedi kang manalamin sa linaw nito. 


"Wow.." napalapit ako dito at tinampisaw ang kamay. Ang sarap maligo, kitang kita ko ang isdang lumalangoy at mga bato sa ilalim nito.


Napahinto ako sa pagtampisaw ng lumakas ang hangin sa paligid at biglang dumilim ang kapaligiran.


"Anong nangyayari?" napatingin ako kay maiko ngunit bago nito nasagot ang tanong ko ay yumanig ng malakas na parang may higanteng lumalakad sa paligid.


"Wooo..." napahawak ako kay maiko.


"Ograts...."


"Mga lapastangan, sino ang nagsabing pumasok kayo sa aking nasasakupan?" wika ng isang malakas na buses. 


Napatingala ako, nanlaki ang aking mata ng makita ang nasa harap namin isang higante. Ito ay kalbo at iisa ang mata. Hinila ako ni maiko upang magtago sa likod nito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon