****gusto kong magpasalamat sa lahat ng nag like specially kay summerella_winter :D :D.. this chapter is dedicated to you..hope you like it!!
"Ngayon ba kayo talaga aalis?" napalingon ako sa nagsalita si falcon ito. Kahapon rin napagdisisyunan namin ni maiko na kailangan na naming umalis sa nothopia nation at maglakbay patungong soul nation. Ilang bundok pa ang dadaanan namin bago makarating roon. Ngunit mapapadali na kami ngayon dahil pinahiram sa amin si pagaspas. Isang uri ng kabayo na pay pakpak kulay puti ito. Dito sa Nothopia nation matatagpuhan ang mga ibat ibang uri ng mga faries at mga inkanto. Kaya nong una manghang mangha ako na makakita sa personal ng kabayong may pakpak.
"Yeah..." tinuloy ko ang pag aayos ng gamit ko.
Bumuntong hininga ito "kailan kaya tayo magkikita muli?" napahinto ako sa ginagawa at nilingon ito. Kita sa mukha nito ang kalungkutan.
Lumapit ako rito at tumabi "Hindi ko alam?" tipid akong ngumiti. Kahit naman hindi maganda ang unang pagkikita namin tinuring ko na itong kaibigan.
"kung hindi lang ako kailangan rito..sasama ako sa inyo!" Napailing nalang ako, hindi ko magets itong engkantong 'to. Kong makapagsalita kasi parang mawawalan ng kasintahan. Napakunot nuo ako sa naisip.
"Bakit?" wika nito ng makita ang reaksyon ko.
"Wala..." tumayo ako at hinarap ang ginagawang pag iimpake.
"Pwedi niyo namang ipagpaliban ang pag alis..dito ka muna!" ngayon lalong kumunot ang nuo ko. Bakit ba ako pinipigilan nito?
"Hindi pwedi ang sinasabi mo falcon!!!" matigas na wika ni maiko. Sabay kaming napatingin sa pinto. Nakahalukipkip ito samantalang nakangiti ang nasa likuran nito. Ito si Filex ang guardian ni fero. Kagaya rin siya ni maiko na mandirigma at naatasang humanap sa mga napili.
"Oo nga naman falcon..hindi pwedi ang sinasabi mo!" segunda naman ni fero na biglang hinawi sina maiko at filex na nakaharang sa pinto. Napasimangot naman si falcon.
"Bakit mo ba pinipigilan ang pag alis ni halcunera hah.." tuloy ni fero. Lalong napasimangot si falcon.
"Wala..." maikling wika nito.
"Un pala eh..by the way nera once na nakarating kana sa soul...contact me hah" kumindat pa ito. Bilang isa sa napili may kakayahan kaming mag connect sa kapwa naming napili sa pamamagitan lang ng isip. Kahit malayo kami sa isat isa dahil narin kina halcu at bluerance na nasa katawan namin.
"You ready?!" wika ni maiko na lukot ang mukha. Nah alam ko na kung bakit..lumingon ako kay falcon na nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti rito..I have this feeling na hindi lang kaibigan ang tingin sa akin to... Nako nera pwedi alisin mong yang feeling nayan, he is just a friend.
Naramdaman kong kinuha ni maiko sa kamay ko ang pinaglagyan ng mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...