CHAPTER 68 - Separate ways

3K 129 4
                                    

AUTHOR NOTE'S: Trip kung ilagay ang songs ng journey hehehehe walang basagan ng trip...I hope you enjoy this chapter.


------------------------------------------------------------------------------------------


THIRD PERSON


Tahimik ang lahat habang tutok ang paningin sa nilalang na kaharap nila. Walang emusyong mababakas sa mukha ni owen. Tanging kadiliman ang mababakas ngayon rito. Alam ng lahat na ibang nilalang na ito, hindi na ang owen na nakilala ng limang gabay at ang mga charmed.


"Owen" lakas loob na wika ni maiko. Walang emusyong lumingon si owen rito.


Sa isang kumpas ng kamay nito ay tumilapon sa pader si maiko.


"Maiko!!" sigaw na wika ni queen white at humahangos na nilapitan ito. 


Lumingon si owen at walang kahirap hirap na naglabas ng itim na enerhiya, mabilis na humarang si elena at gumawa ng itim na shield. Napaatras ang dalaga dahil malakas ang impak nito rito.


"Owen kami ito..mga kakampi mo kami" pilit na bumangon si maiko.


"Hindi na si owen ang kaharap nating ngayon maiko" wika ni haides. Humanda ang mga ito sa gagawing pag atake ni owen.


Boggggggggsssssssss


Malakas na pagsabog ang umalingawngaw ng nagbitiw ng isang itim na energy ball si owen at sinalo ni king luki ng isa ring energy ball na gawa nito. 


Mabilis na gumawa ng maraming energy ball si owen at sa isang kumpas ng kamay nito ay tumungo ito sa gawi nina elena.


Humanda ang mga ito sa pagsugod at pag iwas sa energy ball. Sunod sunod na pagsabog ang naganap. Napamura ang bawat isa dahil halos hindi maubos ubos ang bumabagsak na energy ball sa kanila. 


"Owen stop this!!!" muling sigaw ni maiko. Lumingon si owen sa gawi ni maiko at walang alinlangan na lumapit rito at mabilis na sinuntok ito. Nabigla si maiko sa ginawa ni owen kaya hindi agad nakaiwas.


Muling tumilapon ito na halos nabutas ang pader na sumalo rito.


"Sh*t!!" wika nina haides, filex, jack, at wegon.


Hindi na nag isip pa ang apat na gabay at sinugod si owen. Nasa gitna si owen na parang manikil na walang emusyong mababakas sa mukha kundi kadiliman lamang. Sunod sunod na pinagsusuntok ng apat si owen ngunit mabilis ang binata na umiwas.


Sinalo ni owen ang kamay ni haides at parang isang dahon nitong tinapon palayo. Sumipa si filex sa likod nito ngunit nasalo rin nito. Inikot ni owen si filex saka tinapon. Sabay na sumuntok si wegon at jack ngunit gaya ng nauna sinalo ni owen ito at sabay na tinapon. Lumingon si owen kina queen white, king luki, maiko at elena na gulat dahil sa mabilis na pagtapon sa apat.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon