CHAPTER 41- Unexpected

3.8K 169 4
                                    

Author Note's : This chapter is dedicated to jiraaaah :D :D thanks for your votes and comment :D :D 

Please play the soundtrack up :D pagpasensyahan niyo napo kung iyan lang ang nakita ko na medyo tugma sa chapter na ito. Kung hindi niyo type na iplay okey lang po :D

______________________________________________________________


          Napahawak ako sa braso ng maramdaman ang pagtulo ng dugo. Habol ko ang hininga dahil halos maubos sa sunod sunod kung pag atake sa soul eater. Ang tigas talaga ng bungo nito, ilang beses ko ng napatumba ito ngunit patuloy paring bumabangon. Nagngitngit ang aking ngipin sa gigil ng makitang unti unting bumangon sa pagkakatumba.


Nagsasayang ka ng lakas at kapangyarihan hanggang hindi mo nahahanap ang kahinaan ng halimaw na iyan -seryusong wika ni echo.

Ano ba sa tingin mong kahinaan niya? -balik tanong ko rito.

Kung patuloy tayong susugod mauubusan tayo ng lakas bago natin matatalo ang soul eater. Ang uri niya ay isa sa pinakamalakas na halimaw sa buong under world. -echo

I know nasabi na sa akin iyan -naiiritang wika ko. Hindi ako makapag isip ng matino kung paanong tuluyang pababagsakin ito.

Kung gusto mong matalo ang uri niya kailangan mong magalit ng tuluyan. -echo


Nangunot ang nuo ko. Ano sa akala nito hindi pa ba ako galit! Naiinis na nga ako dahil marami ng napinsala at nahigop na kaluluwa ng mga suhon. Ang latigong nilalabas nito sa bunganga ay pag nasagi sa pangkaraniwang suhon ay awtumatikong nahihigop nito ang kaluluwa.


Kaninang pumulupot sa akin ang latigong apoy nito ay naramdaman ko ang panghihina dahil sa lakas nahigop nito. Buti nalang at nakawala ako ng maaga.


Ang talim ng kadiliman ay lalong lalakas pag ang humahawak nito ay galit at walang puwang sa puso nito ang awa. -Paliwanag ni echo.

Kailangan pa ba yon? -halcunera

Tandaan mo ang talim ng kadiliman ay kaya ka niyang kuntrolin pag hindi mo nalampasan ang itim na lakas nito -paalala nito. 


Biglang nag flash back sa isipan ko ang babala nito. Naramdaman ko ang malakas na pwersang nanggagaling sa hawak na ispada. Hindi ako makakapayag na mangyari iyon.


Matutumbasan mo lang ito kung magagalit ka at hayaang balutin ka ng itim na aura nito. -echo


Napalunok ako sa sinabi nito, parang nag sisi akong ito ang tinawag kung sandata. Bakit hindi nalang si hept na masungit ang tinawag ko. Ngunit ang talim ng kadiliman lang ang makakatalo rito dahil sa balat at tigas ng bungo nito.

Napalingon ako sa gawi ng soul eater ng umatungal. Napamura ako ng makitang patungo sa gawi ko ang latigong apoy nito. Mabilis akong tumalon palayo rito. Kailangan kung mag isip ng ibang paraan habang hindi pa ako nagagalit ng lubusan. Tsk tsk tsk ang hirap naman nitong proseso ng ispada na ito. Kailangan pa akong magalit bago ko ito mabuhat. At kailangan pa akong magalit ng lubusan bago ko mailabas ang tunay na kapangyarihan nito. Bagay nga rito ang pangalan nito pati ang dating may ari nito.


"Awrrrrrrrrrrr!!!" sigaw ng halimaw bago inihagis sa aking ang latigong apoy. Wala akong magawa kundi umilag.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon