CHAPTER 66 - The hardest decision

3.1K 115 1
                                    


HALCUNERA/LHYIAN


"Owen" bakas sa buses ko ang pag aalala. Sumigaw ang binata ng lalong lumakas ang bumabalot na itim na aura rito. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba to o hindi.


"Owen" muli kung sambit. Nahagilap ko si fujie sa gilid na nakangiti, nanggaliiti ako. Nagteleport ako sa harap nito at mabilis ko itong sinuntok. Bumalandra ito sa pader, mabilis akong sumulpot muli sa harap nito at sinuntok ng ilang beses. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit nito at sinuntok ang mukha nito. Hindi ko mapigilan ang galit rito dahil sa ginawa nito kay owen.


Humihingal akong huminto at sa pagkumpas ng aking kamay ay nagpakita ang twin swords. Naggigil akong tinutok sa leeg nito ito.


"Tell me what did you do to owen!" galit kung wika, ngumisi ito bakas sa mukha nito ang pasa na halos hindi na nito maimulat ang mata.


Umiling ito lalo akong naggalaiti, inipon ko ang pwersa sa aking kamay na nakahawak sa kwelyo nito at bumuo ako ng kuryente.


"Ahhhhhhhhhhh" sigaw nito dahil binalot ng kuyente ang buong katawan nito.


"Anong ginawa mo kay owen!!!" galit na sigaw ko rito. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, nag aalala para kay owen, galit dahil sa may kagagawan nito at flustreted na malaman kung bakit?


Naalala ko ang sinabi ni elena kanina. Ang itim na nakatakda? Lalo kung hinapit ang pagkakahawak sa kwelyo ng damit ni fujie.


"Sagutin mo ako kung hindi isusunod kita kay hanson!" matigas kung wika.


"hahahahaha do it, I'm ready to die. Alam mo kung bakit?" tutya nito. Hindi ako nagsalita bilang tugong sa tanong nito.


"Dahil ang itim na nakatakda ay sinilang na hahahahaha" hindi ako nagdalawang isip na itusok ang twin swords sa dibdib nito. Napabuga ito ng dugo sa bibig at nanlaki ang mata. Unti unting naging abo ito. Nanginginig akong tumayo at lumingon kay owen na balot parin ng itim na aura.


The dark chosen..hindi ako makapaniwala na ginawa ito ni hallow? -wika ni halcu.

Hindi ito maaari? Hindi? Bakit si owen? -naiiyak kung wika.

Nera..hindi ko rin alam? -halcu


Lumapit ako kay owen na wala ng malay dahil sa sakit na nararamdaman. Unti unting pumapasok sa katawan nito ang itim na aura. Wala akong magawa upang pigilan ito.


"Lhyian" rinig kung wika ni mang henry.


"Ano na ang gagawin natin? Hindi pweding maging kampon ito ni hallow?" bakas sa buses ng matanda ang pag aalala.


Umiling ako "hindi ko alam mang henry?"


Napatingin kami kay owen ng nawala na ang itim na aura at bumaba ang katawan sa sofa. Wala parin itong malay. Nilapitan ko ito at hinawakan. Napahugot ako ng hininga dahil sa itsura nito ngayon. Nagbago ang lahat rito. Ang pangangatawan nito lalong lumaki at bakas ang itim na aura sa bawat hibla ng buhok nito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon