CHAPTER 13

6.1K 233 6
                                    

Author notes: the shield....the third weapon of halcunera.


*****************


            "What?" singhal ko rito. Kanina pa kasi ito nakatingin sa akin, nakakaluko eh. Hindi man lang ito naapektuhan sa pangsisinghal ko. Tuloy parin ang titig nito sa akin, I rolled my eyes at pinulot ang isang mansanas na nakapatong sa putol na puno. Wala kong pakundangan na kinagat ito, kahit na nakabaling sa iba ang aking paningin ramdam ko parin ang pagtitig nito sa akin. Dali dali kong inubos ang mansanas at bigla kong binato sa kaniya ito.


"Aray..." nakahawak sa nuo nito. 


"Buti nga sayo..." simangot ko.


"Halcunera..." nakakunot ang nuo ni mang ben at lumapit sa amin.


"Ano nanaman ba ang ginawa mo kay falcon?" bumaling ito kay falcon.


"Wala ah" tanggi ko. Tinaasan ko ito ng kilay ng umarteng nasaktan ito sa ginawa ko. Duh mahina lang naman ang pagkakabato ko rito.


"See, sabi kona ngaba may ginawa ka eh!" tumingin muli ito sa akin. 


"Eh nakakapikon kasi siya, kanina pa nakatingin!?" nakakagigil talaga ang lalaking ito. Nakangisi pa talaga ang sarap batuhin muli ng mansanas. Inirapan ko ito at binaling nalang kay mang ben ang paningin baka lalo akong mainis sa lalaking ito.


"Hay nako halcunera, huwag mong gamitin sa kakampi ang iyong kapangyarihan?" pangaral nito.


"Hindi ko naman ginamit ah, OA lang siya umarte!"


"Okey na sa akin iyon mang ben, hindi naman ako masyadong nasaktan" lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi nito aba maarte ang lalaking ito.


Nag poker face ako at huling huli ako ni mang ben, napailing nalang ito sa ginawa ko.


"Mabalik tayo sa sinasabi mo kanina falcon?" binago nalang ni mang ben ang usapan. Napailing nalang ako at dumampot muli ng mansanas at kinain ito. Bahala sila kong ano ang pinaguusapan nila, badtrip parin ako sa lalaking ito, ang hirap kasi mag move on sa nangyari kanina lang. Tsk tsk hindi matanggal sa isip ko na habang naliligo ako eh may tao. At kahit sinabi na nito na wala siyang nakita at hindi naman ito naninilip hindi parin mawala sa isip ko. Hayy nako naman buhay kagubatan bakit wala kasing banyo rito.


"Alin po sa sinabi ko?" hindi ko maiwasan mapaismid sa narinig. 


"Kung bakit nagawi ka rito? Ang layo ng nothopia nation rito ah?" napatingin ako kay mang ben dahil seryuso ang tuno nito. Pasimple akong nakinig sa mga ito.


Napatingin ako kay falcon ng walang sagot ito, nakayuko ito at mahigpit ang hawak sa mansanas.


"Sinugod ng black shadow ang Trunian tribe at sa pagtakas namin nagkawatak watak kami dahil nasundan kami ng mga ito!" matigas ang pagkakasabi nito. Napatigil sa ere ang mansanas na kakagatin ko sana ng magsalita muli ito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon