CHAPTER 74 - The ring of life

3.3K 155 20
                                    


**THIRD PERSON**


"Mang henry sigurado kabang hindi masamang tao iyan?" bulong ni greg sa katabing matanda. Kasalukuyang binabagtas ng mga ito ang kagubatan kung saan naroon ang isang lagusan. Tumingin si mang henry sa lalaking nasa unahan nila. Siniyasat nito ang kasuotan nito, kahit paano alam ng matanda ang bawat kasuotan ng bawat nation. Kilala narin nito kung ano ang itsura ng mga masasamang nilalang.


"Sigurado ako" maiksing tugon nito.


"Here we are" wika ni alcon at humarap sa mga kasama. Tahimik lang ang mga ito habang pinagmamasadan ang binata. Hindi parin lubos maisip ng mga kamag anak ni lhyian ang mga nakikita. Si andi amaze na amaze ito kay alcon dahil sa tindig at kisig nito.


"Ahmm.. hijo san ba tayo pupunta?" lakas loob na tanong ni lola helen.


"Sa mundo namin" nakayukong wika ni alcon. Gawi ng mga ito na kapag kumakausap sila ng ibang nilalang o maharlika ay nakayuko ang mga ito.


Nagkatinginan sina lola helen at ang mama ni lhyian.


Humarap sa dalawang puno si alcon at tumingin muli sa mga kasama.


"Sumunod lang kayo sa akin" turan nito at nauna ng pumasok. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkamangha ng makitang nawala ang binata ng pumasok sa gitna ng dalawang malaking puno. Nagkatinginan ang mga ito saka walang imik na lumapit si mang henry.


"Sundin lang natin ang sinabi niya" tumungo ito sa mga kasama at pumasok na. Napalunok ang apat saka sumunod kay mang henry.


Sa pagpasok ng mga ito sa lagusan bumungad sa mga ito ang magandang tanawin ngunit may bahid ng nakalipas na digmaan.


"Wow" wika ni andi.


"Ganito ba kagada rito?" ulit na wika ni andi.


"Mas maganda dito noong hindi pa nagaganap ang digmaan" malungkot na sagot ni alcon. Natahimik ang mga ito.


"Saan tayo pupunta?" basag ni mang henry sa katahimikan.


"Sa bundok ibis..."maiksing sagot ni alcon. Nagpatuloy ang mga ito sa paglakad hanggang marating nila ang mahiwagang bundok. Ang bundok ng ibis ay nakatirik sa tagong lugar ng enchanted world. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ng limang nation nagawa ng mga hari't reyna na itago ito sa lahat ng nilalang. Alam ng hari't reyna na darating ang panahon na mangyayari ang digmaan na kinatatakutan ng lahat.


Ikinumpas ng binata ang dalang sandata at nagpakita ang isang pintuan. Lumingon ang binata sa mga kasama at napalunok ang mga ito. Tumungo si alcon at binuksan ang pinto. Naunang pumasok si mang henry at sumunod ang iba. Luminga si alcon sa paligid at pumasok na sa pagsarado ng pinto ay naglaho ang ito.


Tahimik ang lugar at sariwang hangin ang nalalasap ng bawat isa. Alcon lead the way at sa pagpasok nilang muli sa masukal na lugar bumungad sa mga ito ang mga iba't ibang nilalang na abala sa kanya kanyang gawain. May ilang kubo na nakatayo sa lugar.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon