CHAPTER 58- Going Back

3.7K 173 6
                                    



HALCUNERA


Nangalumbaba ako sa bintana ng silid ko sa bahay namin. Ang aking isipan ay nakarating na sa bahay nina owen. Napabuntong hininga ako dahil sa sari saring nararamdaman. Ang kalahati ng aking puso ay gustong sumunod sa nararadamang pagsinta kay owen ngunit ang kalahati nito ay ang pagsunod sa tungkuling nakaatang sa akin. 


"Aabot na sa lupa ang nguso mo niyan" napalingon ako sa nagsalita. Si maiko ito, umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kabuoan nito. Handa na itong bumalik sa enchanted world. Bumalik sa aking ala ala ang planong pagbabalik ng mga ito sa enchanted world.


-flash back-


Binalot ako ng kadiliman pagkatapos kung isarado ang  portal ng under world. Oo nagiging habit ko na ang mawalan ng malay. Ikaw naman ang gagamit ng lahat ng enerhiya sa katawan tignan ko lang kung hindi ka matulad sa akin.


Sa tuwing nawawalan ako ng malay nasa puno ako ng buhay. At kasama si halcu, nagsasawa na nga ako sa pagmumukha nito. Nakatitig lang kasi siya sa akin na parang may gustong sabihin na ayaw sabihin.


"Ano ba halcu..kung ano mang sasabihin mo? Sabihin mo na? Hindi yung titingin ka sa akin at iiwas kung titingin din ako sa iyo?" simangot ko rito. Napabuntong hininga ito at tumabi sa akin sa pag upo sa malaking ugat.


"I'm just thinking about you and owen?" napakunot ako ng noo. Ano ba ang problema nito bakit iniisip niya kami? Hindi ako sumagot bagkus hinintay ko ang kasunod sa sasabihin nito.


Napahugot nanaman ito ng hininga..I just rolled my eyes.


"Alam kung nabibigatan ka sa nakaatang na tungkulin sa iyo?" umiwas ako ng tingin rito.


"Your wrong..." ako naman ang napahugot ng hininga.


"Mas pipiliin kung unahin ang tadhana ko kaysa sa nararamdaman. Dahil alam ko sa huli pag inuna ko ang damdamin ko ay matatalo ang liwanag sa dilim. Oo nagtagumpay ako na isarado ang under world portal ngunit maraming halimaw ang nakalabas na at tungkulin kung ibalik sila kung saan sila nararapat. Halcu.." humarap ako rito. Naging seryuso ang mukha ko.


"Handa akong itaya ang buhay ko pati na ang aking nararamdaman para lang mailigtas ang dalawang mundo. Upang maibalik ito sa dating balanse" that is true.. oo may nag uudyok sa akin na pagbigyan ang nararamdaman ngunit sa tuwing maalala ko ang sasapitin ng dalawang mundo sa kamay ni hallow hindi ko kaya. 


Naramdaman kung humawak ito sa aking balikat.


"When everythings back to normal you will be happy" nakangiti nito. Tumungo ako at napatingin sa punong unti unting bumabalik sa dating kinang nito.


"Kailangan ko ng bumalik sa ulirat...Nauumay na ako sa pagmumukha mo" biro ko dito. Tinaasan lang ako ng kilay nito. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Sa isang kumpas ng kamay nito ay nagkaroon ng malaking bilog sa puno.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon