CHAPTER 77 - Facing the war

2.6K 116 4
                                    




**HALCUNERA**

"Are you okey nera?" alalang wika ni fero. Napalingon ako rito at nabakas ko ang pag alala. Pilit na ngiti ang tinugon ko rito. Nasa kalagitnahan kami ng pagpupulong ukol sa nagaganap na digmaan. Halos walang pumasok sa aking isipan dahil ang umuukopa rito ang kaalaman na iniiwasan ako ni owen magmula kahapon. Napahugot ako ng buntong hininga, hindi ko ito masisi dahil sa kalagayan namin ngayon. Gustohin ko man na kausapin ito at iparating rito na hindi na niya kailang gawin ang pagiwas ngunit tama si haring luki. Malaking hadlang si owen sa magaganap na paghaharap namin kay hallow. Lalo na ngayon nagawa nitong pag isahin ang dalawang mundo. 


Sinalubong ko ang mga titig ng mga kaharap ko. Huminga ako ng malalim at tumungo.


"Are you sure?" may pag aalinlangan sa buses ng hari ng mga winka at mataman niya akong pinagmasdan. Pilit akong ngumiti at sinalubong ang titig nito. Una itong nagbawi at tumingin sa katabi ko.


"Nasa iyo nera kong kailan tayo susugod" wika ni elena nasa tabi ko. Napatuwid ako sa aking pagkakaupo at napalunok. 


"Bakit ako?"


Tinaasan ako nito ng kilay gayon din sina fero, aria at ajuha, lumingon naman ako sa mga hari't reyna ay ganun din ang tugon sa akin. Napakamot ako sa aking ulo.


"Ikaw ang may hawak sa mga portal at ikaw lang naman ang last warrior ng soul nation kaya nasa iyo ang last disisyon" ngisi ni ajuha na kinataas ng kilay ko.


"Hah ano konek dun?" ang layo naman sa dahilan sa sagot nito.


"Sa totoo lang  sa nakaraan laban namin na wala ka, nahihirapan kaming mag isip kung ano talaga ang dapat gawin sa pag kakataong ito." Seryusong wika ni reyna white. Napapikit naman ako sa kaalamang iyon. Matindi ang naging epekto sa aking pagkawala. Dumanak ang madugong labanan. Ang masaklap pa roon nadamay ang mga taong walang kamuwang muwang dahil sa kapabayahan ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa kaalamang sa pagliligtas ko sa isang tao ay sya rin ikapapahamak ng bilyong mga nilalang. Napakuyom ako ng kamao, hindi ko alam na ganito ang kakahinatnan ng lahat ng ito pero pag hindi ko  ginawa iyon? Si owen naman ang mamamatay at hindi ko kayang mawala sya sa akin.


Sa isiping iyon nahati ang nararamdaman ko. Napalingon ako sa katabi ng maramdaman ang kamay nito. Ngumiti ito, napayuko ako batid kong alam nila ang tumatakbo sa aking isipan.


"Wala tayong pagpipilihan kundi ituloy ang madugong labanan na ito" basag ni haring ruhno sa katahimikan sa aming pagitan.


Napatiim baga ako, wala na ngang ibang paraan kundi harapin ang digmaan na dulot ni hallow. 


"Let's finish this!" matiim kong wika, nagkatinginan naman ang mga kasama ko at tumungo. Naunang lumabas sa silid ang mga hari't reyna ng limang nation at naiwan naman kaming lima na mataman na nakatingin sa pintong nilabasan nila.


"Those mortal and living creation of five-nation na namatay dahil sa disisyon ko na iligtas si owen.." tumigas ang ekpresyon ng mukha ko sa pagsasatinig sa ideyang kanina pa kumakain sa aking kunsensya. Nakita sa aking sulok ng mga mata na napailing ang mga ito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon