DARK PALACE
Kumulog at kumidlat ang madilim na paligid. Napatingala si shalon sa kalangitan at nag ngitngit dahil nararamdaman niya ang malakas na pwersa.
"Bakit mo ako pinatawag?" kunot noong wika ni hanson rito.
"May nararamdaman akong malakas na pwersa galing sa sky nation!" matigas nitong wika at bumaling sa kaharap. Bakas ang panlilisik ng mata dahil habang tumatagal ay nagiging komplikado ang sitwasyon niya. Lalong lalo na ngayon nararamdaman na niyang malapit ng bumalik si hallow kong saan mang lumalop ng daigdig galing ito.
At alam narin niyang kumikilos na ang apat nitong katunggali sa truno.
"Akala ko ako lang ang nakaramdam non!" seryusong wika rin nito. Halos ilang araw rin itong nawalan ng malay at kapangyarihan dahil sa ingkwentro nito kay halcunera at ngayon alam nito na ang nararamdaman niyang pwersa ay nagmumula mismo sa babaing puti.
"Kailangan kong kumilos sa lalong madaling panahon!" hindi alam ng isa kong ano ang binabalak ng babae upang maisakatuparan ang maitim na plano.
Dinampot ko ang malaking hita ng manok at saka walang pakundangan na kinagat. Kaninang pagkagising ko isa lang ang nararamdaman ko. Gutom ako at hindi sapat ang binigay ni maiko na pagkain sa akin kaya eto ako ngayon nasa harapan ng mahabang lamesa at puno ng pagkain. Pinahanda ito ng hari't reyna kanina ng madatnan kami ni maiko na nag aaway dahil walang maibigay na pagkain sa akin. Umabot pa sa puntong gusto ko na siyang saktan dahil pinipilit nitong tama na ang pagkain na binigay sa akin.
Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin at wala akong pakialam dahil sa nararamdamang pagkagutom.
"Si halcunera ba yan?" rinig kong wika ni fero.
"Hindi ata parang halimaw!" sagot ni ajuha. Tinignan ko sila ng masama at bumaling muli sa pagkain.
Samantala si maiko naman na nasa kanan ko ay pailing iling ito. Si elena naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa nakikita sa akin. Ano ba ang problema ng mga ito eh sa gutom ako! Kumagat ako muli ng hita ng manot at mabilis na nginuya at inabot ang tubig. Inisang lagok ko ito at tumayo. Lahat sila ay nagulat dahil sa ginawa ko.
Ng gumising ako ay ramdam ko ang malaking pagbabago sa aking katawan. Ang aking paningin at pandinig ay lalong luminaw. Kaya kong makita at marinig kahit gaano man kalayo ang mga nilalang sa akin.
Lumapit ako sa pinto na pinagtaka ng mga kasama ko. Hinitay ko itong bumukas at ganun nalang ang gulat ni tanda dahil hindi nito inaasahang nasa bungad ako ng pinto. Alam kong siya ang parating dahil malayo palang kita at dinig ko ang pinaguusapan nila ng nilalang na kasama nito. Patungo sila sa kinalalagyan ko upang kompirmahin kong ano ang malaking pinagbago ko.
Kita ko ang mga tingin na kagaya nina maiko at iba pa nong gumising ako. Pagkamangha! Hindi ko alam kong anong meron sa mukha ko kung bakit hindi nila mawalay ang mga paningin nila sa akin. Well I don't have any clue dahil hindi pumasok sa aking isipan kong ano? Gutom agad kasi ang nasa isip ko!
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...