**HALCUNERA/LYHIAN**
Hindi maalis ang aking pagkamangha sa nakikita ngayon. Pagkapasok palang namin ni halcu kanina sa malaking pinto ay bumungad agad sa aking paningin ang magandang kapaligiran. Kung nagagandahan na ako sa enchanted world dito mas maganda at payapa. Pakiramdam ko nawala ang aking pighati dahil sa paglisan ko.
"Heyyy" napalingon ako kay halcu na biglang tumabi sa akin sa pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno na nakatirik sa isang cliff, kung saan tanaw ko ang malaking kastilyo na nakatirik sa isang maliit na islang napapaligiran ng malawak na karagatan. May mahabang tulay na nagdudugtong dito sa islang kinaroroonan namin. It's beautiful and magical. May mga lumilipad na malalaking ibon sa paligid ng kastilyo na siyang lalong nagbigay ganda.
"I feel peace here" ngumiti ako rito.
"Me too, i remember when i was a kid. Palagi akong naliligo sa dagat kasama sina bluerance at ang iba pa. Palagi kaming tumatakas at naglalaro sa gubat. We also sleep here." Nakinita ko ang sinabi nito sa aking balintataw at napangiti ako.
"I can leave here forever" lumawak ang aking ngiti at nangulumbaba at pinagmasdan ang magandang tanawin.
"Someday you will but not this time" nawala ang aking pagkakangiti at napatuwid ng upo at lumingon rito na may pagtataka sa aking mukha.
"What do you mean?"
He take a deep breath and he look at me in the eyes "gagawa ako ng paraan upang makabalik tayo. Hindi pweding iwan natin sila sa kalagitnaan ng digmaan?" bigla akong nakaramdam ng kabigatan sa aking puso ng maalala ang mga naiwan.
Napalunok ako upang pigilan ang aking luhang nagbabadya "how?"
"I don't know but I will find a way--" naputol ang sinasabi ni halcu ng tumunog ang malakas na kampana na nagmumula sa kastilyo.
"What was that?" tanong ko sa binata na napalingon sa pinanggalingan ng malakas na tunog.
"It's time.." lumingon ito sa akin at tumayo.
"It's time for what?" tanong ko ngunit imbis sagutin ang tanong ko inilahad nito ang kamay sa akin at nagtataka akong inabot ito. Sabay kaming tinungo ang kastilyo sa pamamagitan ng pagtalon sa cliff kung saan nakatayo ang malaking punong kinaroroonan namin. Napalunok ako at pumikit. Wala akong pangambang tumalon rito dahil alam ko namang patay na ako.
"Open your eyes" halcu said.
I slowly open my eyes at ganun nalang ako namangha dahil lumilipad kami patungong kastilyo.
"What the..." napalingon ako kay halcu na may pagtatanong. Ngumiti ito.
"We are in the magical place, at kahit anong nais mong gawin ay kaya mong gawin" napahigpit ang hawak ko kay halcu ng tangkang bitawan ang aking kamay.
"Relax like I said you can do what you what" napahugot ako ng hininga at kusa akong bumitiw rito. Napangiti ako ng hindi man lang ako nahulog, napalingon ako kay halcu na nakangiti. Tumungo ito at nauna na itong tinungo ang kastilyo. Ginaya ko ito kung paano lumipad at bumama sa harap ng kastilyo.
"Wow" wika ko ng mahawakan ko ang gintong pinto.
Napanganga ako ng makita ang loob nito, kumikinang ang bawat gamit na madaanan namin. Diamond, emerald, ginto at iba't ibang mamahaling uri ng bato ang nakakabit sa lahat ng pader. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang malaking painting na gumagalaw.
"That is enchanted world" napalunok ako sa tinuran ni halcu.
"Every living things in two world is in here at buhay silang lahat."
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...