ENCHANTED WORLD: DARK PALACE
THIRD PERSON
Kasalukuyang nasa harap ni hallow ang lima nitong mistress habang ito ay nakaupo sa itim nitong truno. Hindi makahanap ng tamang salita ang lima dahil nabigla ang mga ito sa pagdating ng hari ng kadiliman. Nung bumukas ang lagusan ay agad ng nagtangkang pumasok ang lima sa mundo ng mortal ngunit hindi nagtagumpay ang mga ito dahil binabantayan ng apat na charmed.
Si hallow naman ay kampante at naghihintay ng tamang oras para isakatuparan na nito ang matagal nitong plano. Lingid sa kaalaman ng lima ay gumagalaw na ito at ng kanyang mga kampon. May nautusan na itong magkalat ng kadiliman sa mundo ng mga tao. Ang unang utos nito ay kumalap ng mga kaluluwa.
"Nagagalak ako shalon at ikaw ang tumupad sa una kung plano" basag nito sa katahimikan. Yumuko si shalon sa harap nito.
"Lahat gagawin ko para sa iyo mahal kung hari" ngiti nito na kinainis ng apat nitong katunggali. Hindi pa man natatapos ang labanan ng mga ito naamoy na ni shalon ang tagumpay. Hindi nasayang ang mga sinakripisyo nito upang matupad lang ang planong buksan ang lagusan na nagdudugtong sa dalawang mundo.
"Kung ganun sa iyo ko ibibigay ang mabigat na tungkulin" sabay sabay na napasulyap ang lima sa hari at agad ding binaba ang tingin. Nakasuot ng kapa ito at hindi masyadong kita ang mukha. Magmula ng dumating sa dark palace ang hari ay wala pang nakakakita sa mukha nito.
"Ano iyon mahal kung hari?" bakas ang katagumpayan sa mukha ni shalon. Nagngitngit naman ang apat. Alam ng mga ito na lumamang na si shalon sa paningin ni hallow.
"Sorungeia" wika nito. (SORUNGEIA-tawag ni hallow sa mga babae nito)
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasiaThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...