CHAPTER 44- Revelation

4.2K 162 8
                                    



THIRD PERSON


Namutawi ang katahimikan sa buong soul nation ng natapos ang unang malakas na pagsabog. Sa kastilyo ay puspusang pinapatibay ni queen white ang harang sa paligid ng kahariha upang hindi makapasok ang mga dark shadow at basilik. Napahinto ito sa ginagawa ng biglang may naramdamang tumatawag dito.


"Denco" tawag nito sa isang kawal na nakatukang magbantay sa kaniya habang wala si alcon. 


"Ano po iyon mahal na reyna?" yumuko ito bilang paggalang.


"Bantayan mo ang harang" wika nito. Hindi na nito hinintay na sumagot ang kawal ay umalis na ito sa harap. Nagmamadaling sinundan ang tinig na naririnig at nagulat ito ng tumigil siya sa isang pribadong silid ng kastilyo. Ang silid na ito ay hindi madalas puntahan ng kahit sino man, maging ito. Hindi lang nito maintindihan kung bakit dito tumigil ang tinig. May pagdududa sa isipan nito kung tutuloy o hindi.


Napalunok muna ito bago nito tinulak ang malaking pintuhan. Kadiliman at maalikabok ang bumungad rito. Umubo ito ng bahagya at huminga ng malalim. Ikinumpas nito ang kamay at nagkaroon ng liwanag na hugis bilog at lumipad upang bigyan ito ng liwanag sa buong silid. Tumambad sa kaniya ang malaking bagay na nababalutan ng telang puti. Nag aalinlangan itong lumapit ngunit nagkusa na ang kaniyang paa na humakbang at kusang tumaas ang kamay upang hawakan ang telang nakatabing. May sariling isip ang katawan nito na parang may kumokuntrol dito.


Hindi nito maiwasang pumikit at huminga ng malalim. Nakapikit itong tinanggal ang tabing at unti unting minulat ang mata.


Inaasahan na niya sa makikita ngunit hindi parin niya maiwasang magulat. Kita niya ang sariling refleksyon sa malaking salamin na iyon.

Salamin nasa taas nito ay hugis oblong at sa magkabilaang gilid nito ay may nakabantay na mga diwatang may pakpak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Salamin nasa taas nito ay hugis oblong at sa magkabilaang gilid nito ay may nakabantay na mga diwatang may pakpak. (see the pic)


Napahawak ito sa bawat dulo nito at sa hugis na nakaukit rito. Napahinto ang kamay nito sa batong kulay pula sa gitna. Matagal na panahon mula ng aksidenteng nakapasok siya sa silid na iyon at nakita ang salamin na ito. Walang nakakaalam sa pangyayaring iyon dahil pagkatapos niyang makita ang mga pinakita dito ay natakot na bigkasin at ipaalam. 


"Oracle mirror" bulong nito. Ang salamin ng nakaraaan at kinabukasan. Kaya nitong ipakita ang nakaraaan at hinaharap ngunit mahirap tukuyin ang mga pinapakita nito kung nakaraan ba o hinaharap dahil sa halo halo ito at mabilis nagpapakita.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon