LHYIAN/HALCUNERA
They all staring us. Napalingon ako kay owen, titig na titig ito sa akin, bigla akong nakaramdam ng pangiinit ng aking mukha sa gawi ng tingin nito. Pilit kung iniwas ang aking mata rito at lumapit kina mama at lola helen.
"You look beautiful hija" nakangiti na puri ni lola helen. Pilit akong ngumiti dahil sa papuri nito, nahihiya ako dahil ngayon lang may nagsabi sa akin na maganda ako.
"Ahermmm" napalingon ako sa likod, nakangiting owen ang nasilayan ko. Titig parin ito sa akin parang gusto kung magtago sa likod ng punong katabi dahil hindi ako sanay sa mga titig nito.
"Every one the food is ready" pansamantalang tumingin ito sa mga kasama namin at bumalik sa akin ang paningin nito.
"Ahmm, let's go" tipid nitong sabi. Tumungo nalang ako at naunang pumunta sa isang catage sa gilid ng pool. Napangiti ako ng makita ko ang mga kasama na tuwang tuwa na makita ang pagkaing nakahanda. May seafood, iba't ibang putahe ng karne, gulay at iba pa. Nagkanya kanyang upo ang mga ito.
"You sit here" napalingon ako kay owen dahil inunahan niya akong hilain ang isang upuan.
"Salamat" umiwas ako ng tingin. Hindi ako makatagal sa tingin nito, kasi tuwing nagtatama ang aming mga mata ay bumibilis ang tibok ng aking puso. Umupo na ako at umupo rin ito sa tabi ko. Kaharap ko naman si maiko na nakatingin sa akin. Iniwasan ko rin ito dahil alam ko ang nilalaman ng tingin na iyon.
"Enjoy the food Maam..Sir" wika ng isang taga silbi sa amin. Nginitihan lang namin ito at nag umpisa ng lantakan ang mga pagkaing nakahanda.
"Here..tikman mo masarap ito" wika ni owen at nilagay sa plato ko ang malaking crab. Napatingin silang lahat rito at sa akin. May ngiti sa labi ni lola helen at mama. Pilit akong ngumiti sa mga ito.
"Salamat" tanging nasabi ko. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Bakit ganito nagiging bobo ako kung ito na ang kaharap. Ahhh ganito ba ang pakiramdam na naiinlove? Bakit ngayon ko lang alam ito? I'm a writer for pete's sake at hindi ko alam ang ganito?
"Ano masarap diba?" ngiting tanong muli ni owen. Tumungo ako habang ngumungoya.
"Ang sweet mo naman?" wika ni fero na malawak ang pagkakangiti sa labi. Gayun din si aria at ajuha, si elena naman ay tuloy parin ang pagkain. Ang mga gabay naman ay nakatingin sa akin.
"Tumigil ka fero" bulong ni filex sa katabi. Fero rolled her eyes at nagpatuloy na kumain. Halos hindi ko magalaw ang pagkain ko dahil sa bumabalot na katahimikan sa amin. Natapos ang hapunang iyon na sila lang ang nag enjoy. Nacoconscious ako sa sarili tuwing nararamdaman ko ang titig ni owen. Kahit banaag ko sa mga mata nito na maganda ako pero hindi ko maiwasan.
"Ang sweet niya no" wika ni fero, kasama ko ang mga ito sa gilid ng pool. Pinagmamasdan namin ang mga boys na nag eenjoy na naglalaro sa pool kasama ang dalawa kung kapatid at si owen.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...