THIRD PERSON
Madilim ang paligid, malakas ang buhos ng ulan ngunit hindi inalintana ni Halcunera iyon. Patuloy nitong binaybay ang roof top ng mga naglalakihang building upang makarating lang sa distinasyon. Napahinto ito sa pagtakbo at tumitig sa iisang direksyon kung saan nito naramdaman ang itim na aura.
Dalawang buwan na magmula nung maisarado nito ang apat na portal, dalawang buwan na nag hunt ito ng mga halimaw sa buong syudad. Sa gabi nito ginagawa upang walang makapansin rito. Kagaya ngayon halos wala ng ilaw ang buong manila. Street light nalang ang tumatanglaw sa daan at pa isa isang sasakyan nalang ang nakikita nito mula sa kinatatayuan.
Hindi matanggal ang tingin sa gusaling kasalukuyang ginagawa. Malakas ang hatak ng itim na aura rito kaya madaling natuntun nito. Naningkit ang mata nito upang makita ang halimaw sa loob ng gumasali.
Hindi nito alam kung anong uring halimaw ito dahil ngayon lang nito nakita. Ilang beses ng napabalita sa T.V ang mga taong natatagpuang warak ang katawan at nawawala ang laman loob. Kaya siguradong ito ang may kagagawan ng mga karumaldumal na krimen.
Tila manhid na ang pakiramdam ni nera sa nakikitang itsura ng halimaw, pang ilang halimaw naba ito. Siguro pang isang daan halimaw na sa dalawang buwan...Habang tumatagal ay nasasanay na ito sa mga iba't ibang uri ng halimaw na nakakaharap. Gaya nito kung siguro nung una nitong nakita ito matatakot at mahihindik ito sa itsura ng halimaw ngunit sabi nga sanay na ito.
Hellon uri ng halimaw na dalawa ang ulo at ang sungay nito ay nasa likod at may matulis na buntot. Kawangis nito ang isang aso dahil may apat na paa ito. -paliwanag ni halcu
Tumungo lang si nera at inisang talon lang nito ito ay nasa gusaling kinaruroonan na ng halimaw.
Umungol ang halimaw na nakakatayo ng balahibo. Napangisi si nera dahil nangangati na itong paslangin. Maraming inusenteng tao na ang namatay dahil rito. At hindi nito mapapalampas ang ginawa. Kaya sa pagkumpas ng kamay ng dalaga ay ang lumabas na sandata ay ang double blade ni grecon. Binalot ito ng kulay yellow na aura.
Walang imik nitong pinatumba ang halimaw. Ni hindi manlang nakalaban ang halimaw sa pinalabas nitong talim.
"Walang silbing halimaw!" turan nito. Tumalikod ito upang makaalis na ngunit napahinto ito sa paghakbang ng maramdaman nitong gumalaw ang halimaw. Napalingon ito at muling nagteleport sa gawi ng halimaw at patatamaan nito muli ng talim ng double blade ngunit biglang tumilapon si nera dahil nahampas ito ng buntot ng halimaw. Lalong nagngitngit si nera at mabilis na tumakbo pasugod. Nakatayo na ang halimaw kaya nagsalubong ang dalawa.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...