"Hey wake up!" wika ng isang tinig at kasabay ng pagyugyog sa aking balikat. Gusto ko pang umangal dahil antok pa ako at gusto ko pang manatili sa higahan. Hindi ko ito pinansin at muling bumalik sa pagkakahimbing.
"Nera gising na, malalate tayo niyan kong pinagpatuloy mo ang pagtulog at malalagot tayo kay tandang kenkai!" matinis na wika ni fero. Nakapikit akong umupo sa higahan, its almost one am in the morning na ako nakatulog dahil sa hindi maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni tandang kenkai sa akin nong bumalik kami rito buhat sa pagliwaliw namin.
Naiwan akong kaharap ang napakasiryusong mukha ni tandang kenkai. "May nakapagsabi sa akin na hinahanap mo ang libro tungkol kay hyzias?" wika nito. Hindi ako makasagot rito at nakatingin lamang ako rito.
"Ang librong iyon ay nasa kamay ko!" nanlaki ang aking mata sa binanggit nito.
"Talaga po?!"
"Oo at alam ko kung bakit mo gustong makita ito...sinasabi ko sa iyo kahit mabasa mo at makilala mo siya ay hindi mo siya makikita dahil matagal na siyang wala sa enchanted world?!" napahinto ako sa paghinga. Hindi ito maari, siya lang ang makakapagturo kong paano ako gagawa ng isang lagusan? Napayuko ako at napabuntong hininga. Wala na bang ibang nilalang na makapagturo sa akin?
"Ngunit may paraan pa para makabalik siya rito!" napatingin ako rito. Seryusong tumingin ito sa akin.
"Ano po iyon?" nabuhayan ako sa narinig.
"Kailangan mong mailabas ang walo mong sandata at maging bihasa ka rito!"
"Tatayo kaba diyan o bubuhusan kita ng tubig mismo sa kinauupohan mo?!" napamulat ako sa matigas na tunong iyon. Napapikit at napamulat uli ako upang tignan ang nakakunot na mukha ni elena. Magkakasama kaming lima sa iisang silid ng kastilyo ng sky nation. Dito nila kami pinatuloy ng mga hari't reyna nong nanggaling kami sa lungsod. Ang pagkakatanda ko ay ngayong araw kami ipapakilala sa mga mag aaral sa sky university.
"Oo na..eto na oh!" simangot ko rito. Ang harsh talag nito.
"Bilisan mo!" matigas na wika ni elena na dahilan upang mapabilis ang pagpunta ko sa banyo.
"Ano bang sinabi sa iyo ni tanda at late ka ng natulog kagabi?" wika ni aria. Nasa banyo na ako ngunit dinig ko parin ang mga ito.
Hindi ko sinagot ito at lalong binilisan ang pagbibihis saka lumabas.
"Whoa ang bilis mo naman?" wika ni ajuha na inaayos ang boots. Si aria naman ay nakatayo sa salamin..sina fero at elena at nakaupo sa kanilang bed at hinihintay na matapos kami. Ngumisi ako sa kanila.
"Eh minamadali ako ni madam elena.." ngumiti ako sa mga ito. Napailing nalang si elena at tumayo na. Sabay sabay kaming umalis sa silid namin at dala ang mga gamit ay tinungo namin ang isang kalesa na naghihintay sa labas. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa paghanga sa sasakyan namin. Hindi lang kasi kalesa lamang ito kundi kakaibang kalesa ito. Tulad kay pagaspas may pakpak din ang kabayong hihila sa kalesa at ang kalesa ay napakagarang tignan at napakalaki na sa tantya ko ay kasya ang sampong nilalang rito. Huli akong pumasok at napanganga ako ng makita ang luob. Daig pa ng isang living room ang loob nito. May mahabang sofa sa makabilang side nito na may mga trow pillow pa at sa dulo nito ay may mesang nakalagay na may nakapatong na mga pagkain.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...