CHAPTER 9

6.9K 202 0
                                    


              Nilalaro ko si igera, lately naging makulit ito magmula ng umalis si halcunera. Palibhasa wala na itong kaharutan kaya ako ang kinukulit.


Napahinto ako ng maisip si halcunera. Kamusta na kaya siya? Saang lupalot ng Malok ito nakakarating? (Malok ang tawag sa lugar na malapit sa  mundo ng mortal) 


Kanina ko pa gustong sundan ito ngunit agad akong pinigilang ni master ollan. Humugot ako ng hininga, tinignan ko si igera mukhang nabasa nito ang nilalaman ng isip ko.


"Ano na kaya ang nangyari kay halcunera?" wika ko rito. Alinghing lang ang sinagot nito.


"Sana okey lang siya?" umikot ito sa harap ko. Napangiti ako sa reaksiyon nito.


"Alam kong nag-aalala ka sa kaniya, ngunit umasa tayong babalik siyang ligtas" hinimas ko ang mabalahibong likod nito.


"Wala kabang tiwala sa kaniya?" napalingon ako sa pinanggalingan ng buses. Si master ollan ito.


"Meron po?" 


Ngumiti ito.


"Naniniwala kabang pagbalik niya rito ay ibang halcunera ang makakaharap mo" turan nito, ano ang ibig nitong sabihin?


"Ano ang ibig niyong sabihin?" nasa mukha ko ang pagtataka. Ang alam ko lang dito masusubok ang lahat ng pinag aralan niya ng isang buwan?


"Malalaman mo rin kong ano ang ibig kong sabihin" tinapik nito ang balikat ko at bumalik sa pinanggalingan. Napatingin ako kay igera na nakapikit na.


Nanatili ako sa labas, nakatanglaw sa kalawakan, nagniningning ang buwan at bituin sa langit. Kaylan lang nong nasilayan ko ito nong nasa soul nation pa ako.


Biglang nagflashback sa aking isipan ang mga naganap.


Malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi niya ininda ito. Tanging liwanag ng buwan lang ang kaniyang ilaw sa ilalim ng malaking puno. Mula sa kinaroroonan niya tanglaw ang buong Soul nation. Ang lugar na iyon ang pinakapaburito niyang tambayan pag nasa soul siya. 


"Sorry if i make you wait" hindi na niya kailangan lumingon upang malaman kong sino ito. Sa buses palang alam na niya na ang kanilang pinakamamahal na Prinsesa ito. I really like her voice magmula pa noong maliit pa kami. White, Luki and I are childhood friend. Hindi hadlang sa aming tatlo ang istado ng dalawa ang pagiging magkakaibigan namin. 


Sa Limang nation ay hindi problema ang istado ng bawat isa. Kaya matagal na namuhay ng payapa ang bawat isa. Ngunit nawala iyon ng naging sakim si Hallow sa kapangyarihan. Magmula noon naging sakim ang ibang uri ng nilalang sa mundong ito.


Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko.


THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon