CHAPTER 63 - "Mahal"

3.8K 144 8
                                    


THIRD PERSON


Sa Kanlurang bahagi ng winka nation may isang naka cloak na itim na nakaharap sa dalawang malaking bato. Mag isa ito habang pinagmamasdanan ang nasa harapan nito. Hindi nito alam kung paano umpisahan na buksan ang saradong lagusan. Tumingin sa sising na suot ni hydra.


"Gagawin ko ang lahat mahal kung hari, piliin mo lang akong maging reyna mo" bulong nito at tuluyang lumapit sa dalawang malaking bato. Itinapat nito ang suot na sising sa gitna ng dalawang malaking bato. Hindi lumaon ay may isang liwanag na unti unting umuusbong rito. Napalayo ito ng kunti ng tuluyang nabuksan ang lagusan. Nakangisi itong pumasok rito at ang lagusang nabuksan ay tuluyang sumarado. Sa paglabas nito sa lagusan ang bumungad rito ay isang madilim na paligid. Ikinumpas nito ang kamay at lumiwanag. 


Isang abundinadong silid ang kinaroroonan nito.


"Paano ko hahanapin sina fujie at hanson rito?" nawika nito sa sarili. Biglang may pumasok sa isipan nito. Ikinumpas muli nito ang  kamay at may maliit na bola na kulay pula.


"Dalhin mo ako kina fujie at hanson" pagkawika nito ay gumalaw ang bola. Sinundan nito ito, palinga linga ito sa paligid at kita nito ang mumunting liwanag na nagmumula sa kabahayan sa lugar na iyon.


"Ito ba ang itsura ng mundo ng mortal?" sabi nito sa sarili. Nagpatuloy ito sa pagsunod sa bola at ng huminto ito sa isang bahay na luma. Napangisi ito dahil ganun kadali nitong nahanap ang dalawang kampon ni hallow. Pumasok ito sa bahay, katahimikan ang namutawi sa buong paligid. Hindi ito gumalaw pagkos pinakiramdaman nito kung may itim na aurang nanahan sa bahay na iyon.


"Yahhhhhh" napalingon si hydra sa nilalang na sumigaw at pasugod rito. Ikinumpas nito ang kamay at bumalandra ang nilalang sa pader.


"Sh*t" mura nito at pilit tumayo. Kunot noong bumaling sa harap at ganun nalang ang pagkagulat ni fujie.


"Hydra?" takang wika ni fujie.


"Nagagalak akong nakilala mo ako" lumapit ito rito.


"Anong ginagawa mo rito at saka paano ka nakapasok rito?" takang tanong nito.


"Nasaan si hanson?" tanong rin nito.


"Nandito ako" wika ni hanson at lumabas sa pinagkukublian nito.


"Hallow send me here at pinasasabi nito na panahon na upang isakatuparan ang isa niyong misyon rito" nagkatinginan sina fujie at hanson.


Naalala ng mga ito kung ano ang isang dahilan kung bakit kasama ang dalawa sa pagpasok ni shalon sa mundong iyon.


-flash back bago pumasok sa mundo ng mortal sina shalon, hanson at fujie.-


Nasa harapan ni hallow ngayon sina fujie at hanson. Nakayuko ang dalawa.


"Huwag niyong sasabihin kay shalon ang isang dahilan kung bakit ko kayo sinugo upang sumama sa kaniya" wika ni hallow. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nagsabi ng "Opo mahal na hari."

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon