CHAPTER 62 - Secret Reveled 2

3.6K 178 6
                                    



OWEN


Hindi ko alam kung lalabas ako o hindi? Nais kung tawagin si mang henry pero hindi ko maiwanan si lhyian na puno ng dugo ang balikat. At isa pa nababahala ako dahil namumutla na ito at may unti unting itim na kumakalat sa buong katawan nito.


"Mang henryyyy!!!" sigaw ko mula sa silid. Wala akong narinig na sagot mula rito kaya inulit ko ang pagtawag rito ng ilang beses at malakas upang marinig ako nito. 


Natatarantang lumapit si mang henry sa amin ni lhyian. Pero napahinto ito ng makita ang itsura ng sahig. Bakas ang pag aalala sa mukha nito ng makita ang kalagayan ni lhyian.


"Anong nangyari?" hindi alam kung ano ang hahawakan ni mang henry sa katawan ni lhyian.


"Tawagan mo ang chopper at isusugod ko sa malapit na hospital si lhyian" tarantang wika ko rin.


"Hindi maaari owen ang nais mo?" kunot noong bumaling ako rito.


"Teka" wika nito at lumabas hinintay ko ito ng ilang sigundo at dumating na may daladalang isang planggana na puno ng tubig, tawel at isang halaman na hindi ko mawari kung ano ito.


"Anong ginagawa mo mang henry?" hindi ko maiwasang mag tanong rito.


"Mabisang pang antala sa pagkalat ng lason ito" sabi nito na pinipisa ang dahon at pinunasan nito ang sugat ni lhyian sa balikat saka piniga sa tapat nito. Nataranta ako ng makita na umaling ing si lhyian.


"Lason? Naguguluhan ako, ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit bigla na lang siyang bumagsak rito sa silid? At ano siya?" sunod sunod kung tanong hindi ko mapigilang bigkasin ito. Napatingin lang si mang henry sa akin at bumaling na sa sugat ni lhyian. Wala akong natanggap na sagot mula rito.


"Mang henry?" tawag ko rito, ramdam kung may alam ito dahil alam nitong nalason si lhyian? At ang reaksyon nito ng makita kung saan bumagsak si Lhyian.


"Wala akong karapatang sabihin sa iyo. Hintayin mong magising si lhyian sa kaniya ka magtanong" pagkawika nito ay dinampot nito ang planggana at tumayo.


"Pansamantalang lunas lang ang nilapat ko, hindi magtatagal kakalat muli ang lason" nababahalang wika nito.


Nag alala ako sa sinabi nito "ano ang gagawin natin? Dadalhin ko siya sa hospital." 


Umiling ang matanda " kahit dalhin mo siya dun walang makakagamot sa kalagayan niya ngayon, tangin siya lang ang makakapagpigil sa pagkalat ng lason?"


Kunot noo akong tumingin sa matanda, puno ng katanungan. "Paano kung hindi siya magising agad? Hihintayin nalang nating kumalat ang lason?" histerikal ko.


"Huminahon ka hijo, naniniwala akong malalagpasan niya ito. Matapang na bata si lhyian at malakas ito" makahulugan wika nito. Tuluyang lumabas na ito sa silid. Pinag masdan ko si lhyian na putlang putla. Hinawakan ko ang mukha nito na may namumuong pawis na. 

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon