DARK PALACE
"Tok tok tok.." iyan ang maririnig sa gitna ng katahimikan sa loob ng kastilyo. Pabalik balik na naglalakad si shalon sa loob ng itim na silid. Habang ang dalasa niyang kamay ay nasa likuran. Lalakad..hihinto..lalakad nanaman at hihinto. Hindi ito mapakali hanggang hindi pa niya nakakausapa ang inutusan upang maisakatuparan ang unang hakbang ng plano niya.
Napatigil ito sa paglalakad ng biglang bumukas ang malaking itim na pintuan. Pumasok ang isang nilalang na nakasuot ng itim na cloak.
"Tagumpay ang unang plano mahal ko" ngisi nito. Mabilis na lumapit si shalon upang mahagkan ang lalaki.
"Naamoy ko na ang tagumpay natin mahal ko" wika ng lalaki.
"Huwag tayong pakampante, nararamdaman kung parating na si hallow dito sa under world at ang apat na impaktang kaagaw ko sa truno ay nagsimula ng kumilos" nagngingit ito sa kaisipang iyon. Kailangan itong maging maingat na gawin ang lahat ng plano niya upang hindi malaman ng mga hari't reyna ng limang nation lalong lalo na si reyna white.
"Alam kung matatalo mo ang apat mong katunggali sa truno mahal, ang iniisip ko lang ay ang soul warrior na siyang susi sa tagumpay natin" muling naglakad pabalik balik si shalon dahil nababalisa ito.
"Lahat ay nasa ayos, ang hinihintay ko lang ay ang oras upang maisakatuparan natin ito" ngumisi ito ng nakakakilabot. Ngisi na naging halakhak na bumasag sa nakakakilabot na katahimikan.
NERA
"Sa likod mo nera!" sigaw ni halcu sa akin. Napabaling ako sa likod upang harapin ang dark shadow. Ikinumpas ko sa ere ang white sword at naglabas ng puting blade na siyang tumapos sa dark shadow.
Napatingin ako sa gawi ni aria na nakasakay kay beowulf na kasalukuyang nagpapalitan ng apoy ang dalawang dragon. Kasabay ng malakas na pagsabog kanina ay may isang malaking bilog na itim ang nagpakita sa kalangitan na siyang naging pinto ng mga dark shadow at basilik. Nataranta kami sa kaalaman na sinusugod kami ng mga kampon ni hallow.
"Nera!!!" napalingon ako sa nilalang na sumigaw ng pangalan ko. Humahangos na lumapit si maiko sa akin.
"Bakit?" wika ko habang pinapatamaan ang isang dark shadow na papalapit sa akin.
Thinggggggg
Humugot muna ito ng malalim na hininga bago ako hinarap "Ang soul nation kasalukuyang sinusugod ng mga kampon ni hallow" napahinto ako sa pagkumpas sa ispada ng marinig ang sinabi ni maiko.
"Ano?!" napamulagat ako.
Lumunok muna ito at pinatamaan ang isang dark shadow na palapit rito.
"Ang limang Nation sabay na sinusugod ng mga alagad ni hallow!" muling sigaw nito.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...