CHAPTER 55- Rematch

3.8K 168 7
                                    

AUTHOR NOTE'S: I'm happy na nakaabot ako sa chapter na ito...super thank you sa lahat ng nagvote at nagcomment dahil isa kayo sa rason kung bakit ko ipinagpapatuloy ito :D Ang chapter na ito ay para sa inyo.

*************************************************************************************


HALCUNERA


Hindi ko maiwasang umiyak sa loob ng C.R., kahit anong sabi ko sa sarili na okey lang at pilit kung kinukumbinsi ang sarili na hindi ko siya gusto upang mawala ang sakit sa aking ngunit hindi ito epiktibo. Ramdam ko parin ang sakit na makitang may kahalikan ito.


"Nera open the door" wika ni fero sabay katok. Pinahiran ko ang luhang umagos sa aking pisngi. I clean my throat and compose my voice. Huminga muna ako ng malalim at binuksan ang pinto. 


"Kahit hindi ka magsalita kung bakit ka umiiyak, alam namin kung bakit pero nera what did i tell you..Our responsibility? See dahil sa kaniya nawawala sa isip mo ang dapat gawin? I bet hindi mo nararamdaman ngayon ang itim na aurang kanina pa umaaligid?" sunod sunod na wika ni elena. Napatuwid ako ng tayo, may itim na aura dito? Pinayapa ko ang aking kalooban at dun ko naramdaman  ang umaapaw na black aura sa paligid. Crap bakit hindi ko naramdaman?


"I'm sorry" napayuko ako at bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili. Bakit nagpabaya ako? My responsibility? I set aside because of this stupid feeling. Napakuyom ang aking kamao, pricila right owen didn't deserve me because for the first place I was distined to be a savior of these two world. I don't have time to entertain this feeling, hindi ko maibibigay ng buo ang aking sarili hangang hindi natatapos ang aking tungkulin. Lalo nat malaya na ang mga kampon ni hallow na gumala sa mundo ko.


Sa kaisipang iyon biglang may umusbong na malakas na pwersa sa aking katawan.


Nice to be back? -halcu

Sorry.. -nera

I understand you. Sorry din dahil sa tungkulin mo bilang napili hindi mo maharap ang damdamin mo para kay owen. I promise once na natapos ito i will help you. Kung kailangang gamitin ko ang kakayahan ko upang mahalin karin ni owen gagawin ko. -nakangiting wika ni halcu.

It's okey, maybe were not meant to be? -nera.


Bigla akong nagteleport sa harap ng mga kalaban at nagulat ako ng makita ko sina shalon, hanson, fujie at marcos. Nagulat rin sila dahil sa bigla kung pagpapakita ngunit saglit lang iyon. Nakangisi na si shalon.


"Well well..sa wakas naramdaman mo rin kami?" sarkastikong wika nito.


"Nera don't ever do that again" bungad ni fero ng lumitaw ito sa tabi ko kasunod ng iba pa. Kunot noo ito, hindi ko ito tinapunan ng tingin. Naiinis kasi ako sa sarili kaya hindi ko na hinintay ang mga ito at tinungo kung saan ang aura.


"You.." sabay sabay na wika ni ajuha, fero at aria.


"Look who's here?" ngumiti pa si fujie.


"Let finish this? Nagsasawa na ako sa pagmumukha niyo!" matigas kung wika. How many times na nakaharap ko ang mga ito. Sila ang rason kung bakit nasa panganib ang lahat.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon