CHAPTER 45- The portal

4K 172 4
                                    


THIRD PERSON


Sa kalagitnaan ng labanan sa pagitan ng the charmed napatigil sina elena, ajuha, aria at fero ng masilayan ang kalahating asul na buwan. Pare parehas ang nasa isipan nila. Nagtaka sila kung paano nangyaring maagang nagpakita ang asul na buwan? Bigla rin naglaho ang mga babae ni hallow na siyang pinagtaka ng lahat. Masama ang kutob ng lahat sa nangyayari. 


Ang apat na charmed ay nagtungo sa soul nation upang alamin ang kalagayan ni halcunera. Alam ng apat ang mangyayari sa pagsapit ng asul na buwan. 


"Si halcunera?" bungad ni elena ng makarating sa kastilyo ng soul nation. 


"Elena" wika ni queen white. Ganun din ang bungad nina ajuha, aria at fero ng makarating sa kastilyo.


"Sa gubat" wika ni mang ben na kakapasok lang sa bulwagan. Hawak hawak niya ang isang braso ni maiko sa kabila naman ay si alcon. 


"Maiko, alcon..mang ben" humahangos na lumapit ang reyna at ng mga kawal upang tulungan ang mga ito. Dinala sa pagamutan si maiko at apat naman ay sumunod upang alamin ang nangyari.


"Anong nangyari? Bakit nagpakita ang asul na buwan ng ganun kaaga?" -fero


"Kagagawan ni shalon lahat ng ito. Ang pinakaplano niya ay ang pagpasok sa mundo ng mga mortal at gagamitin niya si halcunera upang magtagumpay sa balak. Hindi ko alam kung paano niya nagawang palabasin agad ang asul na buwan ngunit masama ang kutob kung may kinalaman si marcos dito" paliwanag ni mang ben. Nagkatinginan ang mga ito.


 "Masama ito" -elena


"Kailangan niyong puntahan si nera sa kanlurang bahagi ng soul nation. Tulungan niyo siya" makaawa ni maiko sa apat. Tumungo ang mga ito at biglang naglaho sa harap nila.



HALCUNERA


          "Can you please stop doing that!!" naiinis kung wika. Nahihilo na ako sa ginagawa ni ash na pabalik balik na naglalakad sa harap ko. Hindi ako makapagfocus sa ginagawa dahil naaagaw nito ang atensyon ko. Naka upo ako sa malaking puno na natumba at nasa harapan ko ito. Si mang ben at alcon naman ay dinala sa kastilyo si maiko upang magamot. Hindi na ako sumama sa kanila kahit na kailangan din na magamot ang sugat na natamo ko ngunit wala ng oras para doon, nagpaiwan ako upang subukang tawagin si hyzias at gumawa ng portal kahit sa maikling oras lang. Ayaw kung sumuko ng ganun kabilis? Mundo ko ang nakasalalay rito.


Ayaw ko sanang maiwan si ash upang samaan ako dito sa gubat ngunit pag hindi ako pumayag hindi rin papayag si maiko na sumama kina mang ben at alcon papuntang kastilyo kailangan ni maiko na magamot agad dahil sa malalim na sugat.


"Don't mind me okey?" wika rin nito. I rolled my eyes paano ko gagawin iyon eh halos sinisilaban ang pwet nito na hindi mapakali sa isang lugar. Napabuntong hininga ako at tumayo kailangan ko ng payapang lugar iyong walang ibang nilalang na pweding mang agaw sa atensyon ko.


"Saan ka pupunta?" tanong nito.


"Kailangan kung mag focus at hindi ko magagawa iyon kung nasa paligid ka. Kaya pwedi bang huwag ka ng sumunod sa akin? Bumalik ka nalang sa kastilyo at tignan kung maayos ba ang kalagayan nila?" taboy ko rito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon