**HALCUNERA/LHYIAN**
Malamig na hangin ang nararamdaman kung humahampas sa aking balat. Huni ng mga ibon ang naririnig ko sa aking paligid. Ginalaw ko ang aking ilong upang maamoy ang halimuyak ng bulaklak. Kumunot ang aking noo. Kaylan pa nagkaroon ng ibon at bulaklak sa office ni sir owen?
Napabalikwas ako ng maalala ang halik nito at ang mga imahe na biglang sumulpot sa aking isipan.
"Aray!" Napahilamas ako sa aking noo ng mauntog ako ng matigas na bagay. Napamulat ako at ganun nalang ang pagkagulat ko ng sinalubong ako ng abuhing mata.
"Ahhhhhhh!!!" napasigaw ako ng makita kung asan ako?
"Lower your voice nera!" nakasimangot na wika ng lalaki sa harap ko. Nanlaki ang aking mata.
"Sino ka? Asan ako?" lalo akong kinabahan ng tinaasan ako nito ng kilay at ngumisi. Kahit gwapo ito hindi ko maiwasang kilabutan sa gawi ng pagkakangisi nito.
Biglang bumanghalit ng tawa ito. Hawak hawak pa nito ang tyan habang tumatawa. Kumunot ang aking noo. Habang tumatagal ang pagkakatitig ko rito bakit parang may gustong kumawalang imahe sa aking isipan. Napatigil ako sa pagkakatitig rito ng naging malinaw ang imahe. Ang maamo nitong mukha. Ang digmaanna pinagsamahan namin. Ang asaran namin. Ang karugtong ng buhay ko.
Napaawang ang aking bunganga ng mapagsino ito.
"Halcu?!" napatigil ito sa pagtawa at napatingin sa akin. Nakangiti ito ng maluwag. Tumulo ang aking luha at mabilis kung niyakap ito ng mahigpit.
"Wa-it. Te-ka...na-sasakal a-ko." Hindi ko ito pinakinggan. Lalo kung hinigpitan ang yakap. Akala ko hindi ko na ito makikita pa.
"NERA!!" nahihirapan nitong wika. Pilit nya akong inilalayo at napaubo ito.
"Papatayin mo ba ako?!!" pinanlikahan niya ako ng mata.
"Halcu" niyakap ko muli ito. Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na paghulog ng luha ko. Napabuntong hininga ito at yumakap rin.
"Nice to see you again my twin" lalo akong napahagulhol. Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit isa lang ang alam ko. Bumalik na ang aking ala-ala. Humiwalay ako at pinahid ang aking luha.
"H-How?" sinisinok pang wika ko. Hinila nya ako pa-upo sa ilalim ng malaking puno kung saan ako nakahiga kanina?
Nakangiti ito na umakbay sa akin. Hinapit ako palapit at tinitigan. Pinahid nito ang luha sa gilid ng aking mata. Hindi ko mapigilang umiyak muli. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ito ngayon.
"I told you gagawa ako ng paraan upang makita kita" nakangiti ito at kumindat pa sa akin. Ipinatong ko ang aking ulo sa balikat nito.
"Ng maibalik mo sa dati ang lahat. Bumalik ako sa promising land at hiniling ko sa Mahal na Haring Hitshobar Naklin ang pagkakataong ito. Hindi madali ang pinagdaanan ko upang maipagkaloob ito sa akin." Pinagmasdan ako at binaling nito sa tanawin sa harap namin ang paningin nito.
"I face my fear." Mahinang turan nito. Kita ko ang iba't ibang emusyon sa mukha nito.
"Halcu" bumigat ang aking pakiramdam. Alam kung hindi madali ang kinaharap nito upang makita lang ako. Muling namasa ang aking mata. Ganun ako nito kamahal. Napangiti ako.
Ngumiti ito ng malawak at hinarap ako. Tumayo ito at nilahad ang kamay nito. I breathed deeply at tinanggap ang kamay.
"May isa pang dahilan kung bakit ako narito."
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...